True Confession ni Nelia,isang DH sa Hong Kong:' Masarap ang bawal' (Ika- 15 labas)
June 16, 2002 | 12:00am
ANG kakatwang tayog ng aking imahinasyon habang nakahiga sa aking kama at namamaluktot sa ginaw ay nakapagpaalala sa minsay ikinuwento ng aking kapitbahay sa Tondo na naging domestic helper din sa Saudi. Sa kanya ko nalaman ang maraming kuwento na karamihan sa mga lalaking Pinoy overseas worker ay may kabit sa Saudi. Mas lalo raw kung bilang naglilingkod na driver ang Pinoy at ang nagiging kabit pa ay ang Pinay na DH. Ayon sa kuwento sa akin ng aking kapitbahay, nagkaroon din siya ng relasyon sa kanilang driver na Indonesian pero iyon naman daw ay sandali lamang. Hindi niya napaglabanan ang sikad ng tukso at pumatol upang maibsan lamang ang pangungulila. Wala umanong sangkot na damdamin sa pagkakaroon ng relasyon. Mahigit din umanong isang taon silang nagtikiman ng Indonesian at nagkahiwalay lamang nang magpasya siyang umuwi na. Wala raw siyang pinagsisisihan sa pangyayari, kuwento pa sa akin.
Nang ikuwento sa akin iyon noon ay hindi ako makapaniwala. Ang aking kapitbahay kasi ay hindi naman maganda. Bukod sa maitim ay medyo pandak pa. May ganoon pala na pumapatol sa lalaki at sa ibang lahi pa dahil sa pangungulila. Meron palang hindi napaglalabanan ang sikad ng kamunduhan. At matapang din ang sikmura ng Indonesian sapagkat pumatol sa aking kapitbahay. Ang aking kapitbahay at may asawa at tatlong anak sa Saudi. Makaraang ikuwento sa akin noon ang kanyang "lihim" ay naawa ako sa kanyang asawa. Baldado na kasi ang lalaki at may sakit. Parang wala nang kakayahang makipagniig, isang dahilan marahil na hindi niya mabigyan ng kaligayahang seksuwal ang kanyang misis. Nangulila rin at hinanap ang ligaya sa Saudi. Tinikman ang bawal. Napatunayang ding masarap ang bawal.
Ako ngayon ay nasa kalagayang "nauuhaw". Hindi ko maipaliwanag gayong maikling panahon pa lamang ang aking nailalagi sa piling nina Mr. Mayman. Naghahanap na kaagad ako gayong kayayapak pa lamang sa Saudi. Kakatwa pang ang kapiling ko sa imahinasyon ay isang tinedyer. Masisira yata ang aking katinuan lalo pa nga at sumasalakay ang matinding ginaw. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended