^

True Confessions

True Confession ni Nelia, isang domestic helper sa HK: 'Maginoo si Rashid' (Ika-9 nalabas)

- Ronnie M. Halos -
SA tantiya ko ay mga 16-anyos lamang ang tinedyer na anak na lalaki ni Mr. Mayman. Matangkad ito at tiyak kong tatangkad pa dahil mahahaba ang mga biyas. Makinis ang kutis na nagpapakilalang maykaya sila sa buhay. Kapag hindi nakatingin sa akin ay ninanakawan ko siya ng tingin. Guwapo talaga! Walang sinabi ang mga artistang Pinoy na tinitilian ko rin noon.

Tama ang sinabi ng kapitbahay kong naging DH na rin sa Saudi, na bihira sa mga kabataan sa Saudi Arabia ang nakararanas ng hirap sa buhay. Sila ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng hirap at pagdarahop. Mayaman kasing bansa ang Saudi Arabia. Walang tax ang mga mamamayan doon at pinag-aaral pa ng libre ang mga bata. Hatid-sundo pa ng school bus.

Nalaman kong Rashid ang pangalan ng anak na tinedyer ni Mr. Mayman. Nalaman ko rin ito kay Mr. Mayman nang utusan ako na tawagin si Rashid na nasa likod-bahay at abala sa bagong biling airgun. Nagmamadali kong tinawag si Rashid. Tinetesting nito ang airgun nang tawagin ko. Marahan kong sinabi na pinatatawag siya ng kanyang ama.

Ngumiti sa akin si Rashid at sinabi, "Shokran. Sahlamat po." Maginoo pala. (Itutuloy)

vuukle comment

GUWAPO

HATID

ITUTULOY

KAPAG

MAGINOO

MR. MAYMAN

NALAMAN

RASHID

SAUDI ARABIA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with