Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-48 labas)
May 12, 2002 | 12:00am
(Kasaysayan ni Ignacio S.Bonifacio ng Novaliches,Quezon City)
Hindi na karaniwan kay Ka Asyong na lumasap ng kabiguan. At ang mga kabiguan ang lalong nagpapatibay sa kanya. Nang magkaroon nga ng plebisito para sa pagsasarili ng Novaliches at nanalo ang "NO" ay hindi iyon dinamdam ni Ka Asyong. Talagang ganoon. May natatalo at nananalo. Iyon ang laro ng buhay.
Dahil may positibong pag-iisip, hindi naging dahilan upang ang pangyayari ay makapagpahina at hindi na ituloy ang pagtulong sa kapwa partikular ang may kinalaman sa pagtatayo ng negosyo.
Naniniwala si Ka Asyong na ang bawat isa ay may tungkulin sa kanyang kapwa. Ang lahat ng mga nangangailangan ay dapat na tulungan sa abot ng makakaya. Alam ni Ka Asyong na ang pagtutulungan ang susi sa tagumpay at pag-unlad.
Dahil galing sa mahirap, isang maipagkakapuri pang ugali ni Ka Asyong ay ang regular na paglilimos sa mga pulubing lumalapit sa kanya. Araw-araw, hindi iilang namamalimos ang nagtutungo sa kanyang tindahan, nakasahod ang kamay at inaabutan ng limos ni Ka Asyong. Balewala sa kanya iyon. Gaano ba naman daw ang baryang ibinibigay sa mga pulubi.
Kahit na nga may batas na nag-uutos na huwag magbibigay sa mga pulubi, hindi naman naging hadlang iyon kay Ka Asyong at patuloy pa ring naglilimos. Sa kabila na ang namalimos ay pabalik-balik sa kinabukasan hindi kailanman nagalit si Ka Asyong. Kahit na sabihin pang kinukunsinti at tinuturuang maging tamad ay patuloy pa rin siya sa paglilimos.
Iba ang katwiran ni Ka Asyong, "Ako ang mayroon e di ako ang magbibigay. Kung mayroon ang mga iyan hindi ko na sila bibigyan." (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended