Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-45 labas)
May 9, 2002 | 12:00am
(Kasaysayan ni Ignacio S. Bonifacio ng Novaliches,Quezon City)
NAIIBA si Ka Asyong sa pamamahala ng kanyang negosyo at sadyang mahusay humawak ng mga tauhan. Palibhasay may pinag-aralan kaya nalalaman niya ang pasikut-sikot sa larangang pinasok. Isang dahilan kung bakit patuloy na umunlad ang negosyong hardware. Hindi rin kataka-taka kung manahin din ng kanyang mga anak ang ugali ni Ka Asyong na pagiging masinop at matiyaga. Sa mga ipinamana niyang tindahan sa mga anak, lahat ng mga ito ay pawang tagumpay. Madalas ipagmalaki ni Ka Asyong ang kanyang mga anak na sina Wilfredo, Butch, Virgilio, Edgardo at Roberto. Ang kanyang mga anak ay lumaking may takot sa Diyos at marunong makipagkapwa. Mga katangiang namana sa kanilang amang si Ka Asyong.
Sinabi ni Ka Asyong na kapag binabalikan niya ang panahong halos wala silang maibili ng pagkain at maipamasahe ay napapailing-iling siya. Ayaw niyang ang kahirapang iyon ay danasin ng kanyang mga anak at mga apo kaya ang lagi niyang payo sa lahat ng mga anak, mag-impok nang mag-impok para sa kinabukasan. Huwag magiging bulagsak.
Pawang mga propesyunal ang anak ni Ka Asyong. Nagsipagtapos ang mga ito ng Komersiyo na akmang-akma sa kanilang negosyo.
Kapansin-pansin at kakaiba nga ang paraan ng pamamahala ni Ka Asyong sa negosyo. Sa mga hardware stores sa Novaliches, tanging ang kanyang mga empleada ang naka-uniporme. Mahusay mag-istima sa mga kustomer at magagalang.
Ang mahusay na pamamahala rin ang nagdala kay Ka Asyong sa iba pang organisasyon sa Novaliches. Marami siyang pinamunuan at isa sa pinaka-sikat ay ang pagiging presidente ng Novaliches Foundation.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended