Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong (Ika-35 labas)
April 29, 2002 | 12:00am
(Kasaysayan ni Ignacio S. Bonifacio ng Novaliches,Quezon City)
Gaya nang madalas nang sabihin ni Ka Asyong, ang pagtitiwala ay isa sa mga susi para magtagumpay ang isang tao. Kapag aniya nagsama-sama ang sipag, tiyaga, pagsisinop, pagtitipid at mapagkakatiwalaan, tiyak na ang tagumpay. Kapag pinagtiwalaan ang isang tao, katumbas na nito ay isang malaking kayamanan na hindi maaaring mabili ng pera. Kaya nga ang payo niya sa marami, sikaping huwag masira ang pagtitiwala ng kapwa. Kapag aniya nasira ito, tapos na ang lahat.
Inaamin ni Ka Asyong na ang labis na pagtitiwala sa kanya ng mayamang Jacinto family ang itinuturing niyang pangunahing dahilan kung bakit niya narating ang tagumpay na kinalalagyan at siyempre pa ay utang din niya sa Diyos. Naging malapit umano sa kanya ang matandang may-ari ng Jacinto Steel noon pa mang siya ay enkargado ng mga ito. Naging enkargado siya ng 12 ektaryang lupain na may tanim na mga mangga. Kakaibang sipag aniya ang ipinakita niya. Paglabas niya sa planta ng mga Jacinto (crane operator siya roon) ay ang manggahan naman ang kanyang matiyagang aasikasuhin. Inalagaan niyang mabuti ang mga mangga na lalo pang nagpahanga sa matandang Jacinto sapagkat napakaraming tiklis na mangga ang naaani niya. Tuwang-tuwa ang Jacinto family sapagkat malaking pera na ang mga iyon kapag naipagbili.
Kapag dumadalaw ang matandang Jacinto at pamilya nito sa asyenda ay tumutulong si Ka Asyong sa pag-aasikaso. Bagay na lalo lamang siyang napansin ng matanda. Ipinamalas ni Ka Asyong sa matanda na siya ay mapagkakatiwalaang tauhan ng kompanya at mahusay na enkargado ng kanilang lupain.
Tuwang-tuwa ang matanda kapag dumadalaw at ipinakikita niya ang mga aning mangga na pawang kay gaganda at kay lulusog at mga manibalang na. Humanga sa kanya ang matandang Jacinto. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended