^

True Confessions

Kuwento ng tagumpay ni Ka Asyong

- Ronnie M. Halos -
HINDI niya sinabi sa kanyang asawa na mayroon na siyang naiipong P60,000 sa banko. At nang panahong iyon, dekada ’60 ay malaki na ang halagang iyon. Maaari nang ipuhunan sa anumang negosyo. Subalit dahil pinag-aaralang mabuti ni Ka Asyong ang lahat ng bagay tungkol sa pera, hinayaan lamang niya ang mga iyon sa banko. Hindi niya ginagalaw. At lalo pang naging matalino sa pagdating ng mga araw sapagkat ang P60,000 niya ay pinaghati-hati niya sa apat na banko. Tig-kinse mil sa bawat banko upang kung malugi man ang isa sa mga banko, hindi lahat ay apektado ang pera niya. Mawala man ang isa, may tatlo pa. Dahil hindi niya ginagalaw tumubo pa iyon. Lingid pa rin iyon sa kaalaman ng kanyang asawa. Patuloy pa rin ang kanyang pagsa-sideline. Lalo pang nadagdagan ang kanyang pagtitiyaga at pagsisikap.

May malalim na dahilan kung bakit inilihim ni Ka Asyong sa kanyang asawa ang naka-save na pera sa banko. Hindi naman siya nagdadamot subalit baka kapag nalaman ng mga kamag-anakan niya o ng kanyang asawa na may ganoon silang kalaking pera ay hiramin iyon. Sinabi ni Ka Asyong na hindi maituturing na kasamaan ng ugali ang paglilihim na iyon ng pera sapagkat mayroon siyang pinaglalaanang negosyo sa kinabukasan. Alam na niya ang target ng perang pinagsikapan at pinagtiyagaan niyang ipunin. Sigurado siya na ang naiisip niyang negosyo ay magtatagumpay. Naniniwala siyang babalik ang puhunan.

Sa kabila rin naman na may naiipong malaki-laki na ring halaga ay hindi naging maluho si Ka Asyong. Pinagtitiyagaan pa rin niya ang ilang pirasong damit at pantalon na ipinangpapasok sa trabaho. Pinagtitiyagaan pa ring lakarin ang may apat na kilometro mula sa kanilang bahay patungo sa Jacinto Steel. Sa kabila nang mabigat ang trabaho bilang crane operator, nagagampanan niya iyon nang maayos at napapansin siya ng may-ari bilang mahusay na empleyado.

(Itutuloy)

ALAM

BANKO

DAHIL

ITUTULOY

IYON

JACINTO STEEL

KA ASYONG

NIYA

PINAGTITIYAGAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with