^

True Confessions

Apoy Sa Balsa (29)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ano po ang kailangan niyo, miss?” tanong ng isang binata na nakasuot ng school uniform ng isang kolehiyo.

“Saan ko makikita si Kael?” Seryosong tanong ni Rhea. Medyo pataray para matakot sa kanya ang mga lalaki kung sakaling mambabastos ang mga ito.

“Si probinsyanong pogi pala ang hanap.” Pahagikhik na bulong ng isang lalaking walang suot na t-shirt.

“Ibang klase si Kael, wala pang isang buwan sa Maynila may nabingwit agad na chicks. Iba talaga kapag magandang lalaki.” Bulong naman nung isang lalaki may hawak na cellphone.

“Oo nga. Nasaan ang hustisya ‘dun?” nagtatawang sabat nung isa.

“Bakit po, anong kailangan niyo kay Kuya Kael?” Tanong nung college student.

“May utang siya sa akin na malaki!” Pa-pilosopong sagot ni Rhea para tigilan na siya ng mga ito.

“Sana all may pinagkakautangan na ma­ganda!”

“Tama. Kapag ako, ipangbabayad ko ang buong buhay ko sa kanya.”

“Doon po, sa dulong kuwarto!” turo sa kanya.

Nanginginig ang mga binti ni Rhea sa takot at hiya, ngunit pinilit niyang panatilihing tuwid ang kaniyang tindig. Hindi niya pinansin ang mga panunukso sa kaniyang paligid. Humakbang siya nang mabilis hanggang sa marating ang dulo ng corridor, kung saan nakaturo ang mga nagtatawanang boarders.

Mariin siyang kumatok sa lumang pintong kahoy. Sa likod niya, patuloy ang kantiyawan, pag-cheer at panunukso ng mga lalaki.

Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Lumatad si Kael, hubad ang pang-itaas, may tuwalya sa batok, at basa pa ang buhok mula sa pagligo. Bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagod at depresyon, ngunit nang magtama ang kanilang mga mata, at nang makita niya si Rhea na nakatayo sa labas ng kaniyang­ kwarto habang pina­liligiran ng mga nag­bubun­ying boar­ders, tuluyang nalag­lag ang kaniyang panga sa sobrang gulat.

“Anong ginagawa­ mo rito?” hindi maka­paniwalang tanong ni Kael.

(Itutuloy)

KOLEHIYO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with