^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-153 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,saudi Arabia)

Madalian ang aming pagniniig ni Aziza. Walang ipinagkaiba sa nangyari sa Suburvan. Si Aziza ang gumawa ng daan at nadungisan na naman ang kanyang maninipis at malalambot na labi. Muling nabahiran ng katas ng ka-machohan. Ang kasiyahan ay malalarawan sa kanyang mukha na puno ng kainosentehan. Pagkatapos ay sinabihan akong umalis na at baka makita pa ako ng kanyang mga kapatid lalo na si Muhammad na nagkakaroon na ng malisya.

Marahan at mabilis akong umalis dala ang Suburvan. Pinaharurot ko patungo sa bahaging disyerto na pinag-iwanan ko kay Sir Al-Ghamdi. Naratnan kong abalang nagkukuwenta si Sir. Hindi halos naramdaman ang aking pagdating. Walang bakas ng pagkainip at paghihinala. Walang kamalay-malay sa nangyayari sa kanyang mapangahas at rebeldeng anak na si Aziza.

Ang sumunod naming pagtatagpo ay sa loob muli ng sasakyan. Nangyari iyon isang gabi nang isugod sa ospital si Mam Noor dahil dinugo. Dalawang buwan umano ang kabuntisan. Sa paghahatid sa ospital ay kasama si Aziza para magbantay. Sa isang malaking government hospital namin isinugod. Sa bagong biling GMC truck isinakay si Mam at si Sir ang nag-drive. Si Aziza dahil sa kalituhan ay sa Suburvan na minamaneho ko sumakay. Bumuntot kami patungong ospital.

Nang masiguro ni Sir na ligtas na si Mam ay umalis ito dahil walang kasama sina Muhammad sa bahay. Pinaiwan ako para may mautusan umano sina Mam at Aziza. Sa malaking parking area ng malaking ospital ako nakatambay at naghihintay ng iuutos ng mag-ina.

Sa panahon ng paglagi sa ospital ni Mam ay nagkaroon kami nang maraming pagkakataon ni Aziza. Pupuntahan niya ako sa parking area at doon kami magniniig. Hindi nagsasawa si Aziza sa ganoong uri ng pagtikim sa bawal. Sapat na iyon. Hindi siya narurumihan. At ako’y nasisiyahan. Mabilis lamang ang pagsasalo subalit nalalasahan ang tamis. Kabisado ni Aziza ang mga gagawin at eksakto sa mga plano. Mainit si Aziza at tumutupok sa katauhan ko.

Nasundan pa nang nasundan ang pagniniig na halos ay walang nalalaman si Sir Al-Ghamdi dahil masyado itong naging abala sa paglago ng kanyang negosyo.

Hanggang sa dumating ang panahon na aking kinatakutan. Naramdaman ko ang unti-unting paglayo sa akin ni Aziza. (Itutuloy)

vuukle comment

AL-KHOBAR

AZIZA

BATAY

MAM NOOR

REN E

SI AZIZA

SIR AL-GHAMDI

SIR. HINDI

SUBURVAN

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with