^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-144-Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar, Saudi Arabia)

MALAYO pa kami ay itinuro ni Muhammad sa akin ang bahay na pagdarausan ng zawaj (kasalan). Ang bahay kung titingnan sa malayo ay parang nagliliyab sa dami ng nakapaligid na ilaw. Wala pang gaanong bahay na nakatirik sa lugar na iyon subalit mapupunang debelop na debelop ang lugar. Malalaki ang kalsada at malinis na malinis. Sa bawat gilid ng kalsada ay may nakatanim na mga dates na napansin kong namumunga na.

Sinabi ni Muhammad na mayaman ang napangasawa ng kanilang pinsan. Bukod sa may taniman ng dates at spinach ay may mga hayupan pa: Tupa at camel. Sabagay, noon pa man ay alam kong hindi basta-basta nakapag-aasawa ang mga lalaki sa Saudi Arabia. Mahal ang babae. Kung mahirap ang isang lalaki, may kalabuan na makapag-asawa kaagad siya. Kailangang pag-ipunan muna niya ang ipangdo-dowry sa pamilya ng babae.

Pumasok kami sa isang malaking gate (main gate ng village marahil iyon) at dumaan sa bahaging disyerto at saka humantong sa malaking bahay na nagliliyab sa liwanag. Maraming punong dates sa paligid. Nakita ko ang maraming sasakyan sa paligid na palatandaang malaki ang kasalang iyon. Tumigil ang Pajero nina Sir at tumigil din kami. Bumaba sina Sir, Mam at Aziza. Alam ko na ang gagawin. Ako na ang magpa-park ng Pajero. Ganoon naman palagi. Nagsibabaan na rin sina Muhammad. Bago bumaba ay sinabihan ako ni Muhammad ng nasnas (unggoy). Hindi ko pinansin. Habang lumalaki si Muhammad ay pilyo na karaniwang ugali na ng mga batang Saudi.

Hinabol ko ng tingin ang mag-anak na naglalakad patungo sa malaking bahay. Si Aziza, kagaya ni Mam Noor ay itim na itim sa suot na abaya. Mga bago naman ang suot na thob nina Sir at Muhammad samantalang ang dalawa pang anak ay pawang bago rin ang suot.

Napansin kong bumalik si Aziza at may nakalimutan marahil sa loob ng Pajero. Bumaba ako sa suburvan at maliksing lumapit sa Pajero at binuksan. Hindi ako nagsasalita. Ipinakuha sa akin ang tissue paper sa loob ng Pajero. Kinuha ko at iniabot sa kanya. Isinara ko ang pinto ng Pajero. Bago tuluyang umalis sa tabi ko ay pabulong na sinabi: "Elaleqa." (Magkita tayong muli). Iyon lang at umalis. Nakita kong hinihintay siya ng mag-anak.

Inihanap ko ng mapagpaparadahan ang dalawang sasakyan. Nakakita ako sa di-kalayuan, sa ilalim ng mga dates, subalit madilim na roon sapagkat di na nahahagip ng liwanag mula sa bahay. Iilang sasakyan din ang nakaparada. Mula sa paradahan ay tanaw pa ang gate ng bahay. Sinulyapan ko ang oras sa relo: alas-diyes lamang ng gabi. Siguradong alas-dos ang tapos ng kasal. Okey lang dahil sanay na ako.

(Itutuloy)

AKO

AL-KHOBAR

AZIZA

BAHAY

BUMABA

MAM NOOR

NAKITA

REN E

SAUDI ARABIA

SI AZIZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with