Yapak sa Bubog (Ika-112 Labas)
February 5, 2002 | 12:00am
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-khobar, Saudi Arabia. Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi. Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren. )
BIGLA nga ang pagdating ni Ellie mula sa Riyadh at gusto kong magalit sa kanya. Sa pagdating niya, maaaring hindi na matuloy ang pagniniig namin ng dalaga kong amo na si Aziza. Siguradong sa kuwarto ko na naman nakababad si Ellie. Tiyak na magdamag na naman kaming magsisiping at madaling araw na ito lilipat sa kabilang bahay.
Gayunman, hindi ko ipinahalata kay Ellie ang aking pagkaasar sa bigla niyang pagdating. Ayon sa kanya, hindi na niya matagalan ang ugali ng kapatid ni Mam Noor na naging sumpungin matapos itong manganak. Pati ang mga anak umano nito ay naging problema rin niya sapagkat mga salbahe. Nagpaalam naman daw siya ng maayos sa kapatid ni Mam Noor. Pero sa palagay ko, may isang mabigat na dahilan kung bakit napaaga ang kanyang pagbalik iyon ay dahil sa akin. Nasasabik na siya sa akin. Ang isang buwan niya sa Riyadh ay baka katumbas na ng isang taon o mahigit pa. Sa haba na rin naman ng aming relasyon ni Ellie, kilala ko na siya. Hindi siya maaaring tumagal na walang kasiping na lalaki.
Nasa kotse pa nga lamang kami habang naka-park sa airport ay nagpadama ng pagkasabik. Hindi na nangimi kahit na maaari kaming makita ng mga guwardiya sa parking area. Dinama ang "kinasasabikan" niya na ikinapitlag ko. Ako pa ang nagsabi na baka may makakita sa amin. Sabi koy hintayin na lang namin na makarating sa bahay. Delikado sa loob ng kotse. Tumigil naman. Sa pakiwari koy nagliliyab na sa init ang katawan ni Ellie sa kasabikan. Ayaw ko rin namang dayain ang aking sarili na ganoon din ang nadarama ko. Bunga na rin iyon ng ilang sunud-sunod na pagkakapigil ng "pagniniig" namin ni Aziza. Mahirap kapag ang bulkan ay napigil ang galit. Mas matindi kapag sumabog dahil sa pagkainis.
"Hindi ka ba inaalembungan ng amo nating dalaga?" tanong ni Ellie nang tumatakbo na kami sa highway. Aywan kung bakit iyon ang naitanong. Siguroy dahilan din iyon kung bakit biglang-bigla ang pagdating niya. Ang mga babae umano ay malakas ang kutob lalo na kung may kaagaw sa pagmamahal.
"Madalas bang pumunta sa kuwarto para ka kulitin?" tanong pa nang hindi ako umiimik.
Umiling lamang ako. Saka ay naisip kong wala na nga yatang paraan para magkasarilinan kami ni Aziza dahil sa pagdating ni Ellie. Napabuntung-hininga na lamang ako. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am