^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-40 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

NANG akma kong i-stop ang player ay pinigil ako ni Aziza. Nasa mukha ang pagtataka sa napapanood na dalawang tauhan sa mahalay na tagpo. Inosente pa si Aziza at hindi kayang abutin ng isip kung ano ang ginagawa ng dalawa sa pelikula. Tutok na tutok ang mga mata ng dalaginding. Ako ang napapahiya sa sitwasyong iyon. Maraming posisyong ginagawa ang dalawang tauhan. Hindi kumukurap si Aziza. Hindi ko kayang malason na ang isipan ng dalaginding. Hindi dapat. Ini-stop ko ang player at maliksing inalis ang tape.

"Haram,"
sabi kong mataas ang boses. Masama. Ipauunawa kong hindi dapat pinanonood ang ganoong pelikula lalo na nang tulad niyang bata.

"Ma zalek?"
tanong ni Aziza. Ano raw ba iyon. Bakit daw masama?

Mahirap ipaliwanag sa Arabic pero pinilit ko ring ipaalam kay Aziza na iyon ay para lamang sa matatanda. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga bata.

Matagal na nag-isip si Aziza. Para bang inaalala ang mga napanood. Pilit na inaabot ng murang isipan ang tagpo. Alam kong sa edad na iyon na magkikinse, unti-unti na siyang nagkakaroon ng malisya. Namumulat na sa relasyon ng lalaki at babae. Pilit na inaabot kung ano ang kahulugan ng pagsi-sex. Alam kong ang ganoong edad ang tumutuklas. Kung ano ang ipinagbabawal ay siyang ginagawa.

"Maza tamal?"
Ano raw ang ginagawa ng dalawa?

Ipinaliwanag ko kahit mahirap. Nagsinungaling na ako. Sabi ko’y mag-asawa ang dalawa. Gumagawa sila ng baby. Iyon lamang ang tamang paraang naisip ko. Napatangu-tango si Aziza. Hindi ko malaman kung nakumbinsi ko siya sa paliwanag na iyon.

Ang isang ikinatakot ko ay baka makarating kay Sir Al-Ghamdi ang napanood ni Aziza. Baka sa katabilan ni Aziza ay masabi sa ama ang tungkol sa tape. Mabubuko na mayroong bold film. Si Ellie ang gusto kong sisihin sa pangyayaring iyon. Hindi ito naging maingat sa gamit.

Balewalang umalis si Aziza sa kuwarto. Itinago ko ang tape.

Kinagabihan ay sinimplehan ko si Ellie. Sinabi kong may sasabihin ako sa kanyang importante. Tungkol sa mga nawawala niyang gamit. Kung maaari ay pumunta siya sa kuwarto.

Dakong alas-10 ng gabi ay nakarinig ako ng katok sa pinto. Si Ellie ang kumakatok.(Itutuloy)

vuukle comment

AL KHOBAR

ALAM

ANO

AZIZA

IYON

KONG

PILIT

REN E

SI ELLIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with