^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-32 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

KAPAG panahon ng Ramadan sa Saudi Arabia ay nakababawi ako. Kakaunti ang trabaho at lubus-lubos ang aking pagpapahinga. Tanghali na kasi kung pumasok sa trabaho sina Sir at Mam. Kapag Ramadan ay maikli ang oras ng trabaho. Dakong alas-9 ng umaga papasok ang mga empleado at dakong alas-3 pa lamang ng hapon ay pauwi na. Nag-aayuno o nagpa-fasting (aswam) sina Sir at si Mam. Hindi kumakain at umiinom sa araw. Subalit sa gabi ay maaari nang kumain. Mahigpit na ipinatutupad ang pag-aayuno. Ang sinumang mahuling kumain o uminom sa publiko ay parurusahan. Ang mga OFWs na tulad ko’y maaaring patalsikin sa trabaho at ipatatapon pabalik sa Pilipinas.

Wala namang problema sa akin kahit may Ramadan. Madali akong makibagay at makaintindi sa anumang kautusan. Napuna kong kapag nag-aayuno ang mga Saudi ay hindi sila gaanong nagsasalita. Parang mga lulugu-lugo. Siguro’y dahil nga sa hindi kumakain. Isang maipupuri ko sa mga Saudi ay masunurin sa utos na mag-ayuno. Kung ano ang batas ay iyon ang gagawin at susundin. Si Sir ay masunurin. Sa loob-loob ko, maaaring labagin ni Sir ang ipinag-uutos na huwag kumain. Maaari siyang kumain nang kumain sa loob ng bahay. Wala namang magsusumbong sa mga motawa. Pero masunurin si Sir sa batas ng Diyos at tao. Ang mga kabataan namang tulad nina Aziza ay exempted sa pag-aayuno. Hindi pa sila pinapayagan sa ganoong gawain.

Ang kasunod ng Ramadan ay ang pagdiriwang ng Hajj. Masaya ang mga Saudi sapagkat parang bagong taon sa kanila. Ang mga bata ay makikita ko sa kalye na masayang naglalakad at mga bago ang suot nilang tohb. Pumapasok sila sa mga store at binibigyan sila ng pera. Para bang namamasko.

Maski sina Aziza ay nakikita kong magaganda ang suot at masaya. Minsan pa nga ay pupunta sa kuwarto ko si Aziza at sa wari ba’y ipagyayabang ang suot na bestida. Maganda talaga si Aziza kapag nakasuot ng bestida. Dalaga na ang katawan. Alam kong kaya siya nagpunta ay para purihin ko ang suot. At pinupuri ko naman. Sasabihin ko, "Khair," na ang ibig sabihi’y maganda ang kanyang suot na damit. Tatawa naman si Aziza. Gustung-gusto niyang pinupuri.

"Shokran,"
sasabihin niya. Salamat daw sa papuri ko.

Malaki na si Aziza at aywan ko ba kung bakit natututo yata akong umibig sa dalaginding. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. (Itutuloy)

AL-KHOBAR

ALAM

AZIZA

KAPAG RAMADAN

REN E

SAUDI ARABIA

SI REN

SI SIR

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with