^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-2 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Ang tumapak ako sa Saudi Arabia, ipinangako ko sa aking sarili na iiwasan na ang bisyo at tukso. Bukod kasi sa pagiging mahilig ko sa babae, malakas din akong magsugal. Ang isang maipagmamalaki ko ay ang pagiging health conscious ko. Hindi ako naninigarilyo at hindi rin umiinom ng alak. Ayaw kong magkasakit. May panahon ako sa pag-eehersisyo at inaalagaan ko ang aking katawan. Iyon siguro ang ikinaiba ko sa ibang lalaki. Mahalaga sa akin ang may malakas na pangangatawan.

At nang mag-Saudi nga ako, nadagdagan pa ang aking pag-iingat. Kailangang iwasan na rin ang pagsusugal at pambababae. Isa pang nagtulak sa akin para iwasan ang bisyo ay ang kahigpitan sa bansang aking pupuntahan. Marami ang nakapagsabi sa aking mga kaibigan na ubod ng higpit sa Saudi Arabia. Ang parusa sa mabigat na kasalanan ay pagpugot sa ulo. Bawal ang magsugal at ang makipagrelasyon sa hindi asawa. Kaya ipinangako ko, iwas na sa sugal at iwas pa sa babae.

Ang aking amo na nagngangalang Ibrahim Al-Ghamdi ay nalaman kong may pinag-aralan. Tapos umano ito ng komersiyo sa isang unibersidad. Nakita kong mabait naman si Sir. Sa tantiya ko ay mga 45 anyos siya. Ang kanyang asawa ay napag-alaman kong nagtatrabaho naman sa isang government hospital. Tatlo ang kanilang anak. Dalawang babae at isang lalaki. Si Aziza nga ang panganay. Nang dumating ako noong 1991 doon ay 10 years old lamang si Aziza. Subalit malaking bulas na ito. Palibhasa’y mayaman at sunod sa luho ang katawan.

Hindi ako gaanong nahirapang maiangkop ang sarili kina Sir. Madali kong naturuan ang aking sarili na makisama sa kanila. Iyon ang isa sa ipinupuri ko sa aking sarili na kahit saan ako magpunta ay kaya kong iagpang ang aking sarili. Mabubuhay ako kahit saan dalhin.

Isang dahilan din kung bakit madali akong nakaakma sa buhay-Saudi ay sapagkat naturuan ako ng Pilipinang maid na naratnan ko roon – si Tet. Si Tet ay 32 years old. May asawa rin at dalawang anak. May dalawang taon nang naglilingkod si Tet kina Sir. Dati raw ay tatlo silang maid doon, isang Indonesian at isa pang Pinay subalit nang sumiklab ang Gulf war ay natakot ang mga ito at umuwi. Siya na lamang daw ang natira roon.

Hindi maganda si Tet subalit maganda ang katawan. Bumawi roon. Tamang-tama ang laman. Kayumanggi ang balat. Makinis. (Itutuloy)

vuukle comment

AKING

AKO

IBRAHIM AL-GHAMDI

IYON

SAUDI ARABIA

SI AZIZA

SI TET

SIR. DATI

SIR. MADALI

SIR. SA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with