^

True Confessions

'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-28 na labas)

- Ronnie M. Halos -
Mahirap paniwalaan subalit totoo. Nagkaroon ng laman ang cellphone ni Gina makaraang hamunin ang duwende na si Briana. Hindi kami makapaniwala. Isang malaking kababalaghan na naman ang nangyari. Saka ay isang mensahe muli sa text ang aming natanggap. "Hindi ka kasi naniniwala kaya eto ang ebidensiya. Siguro naman maniniwala ka na."

Inisip ko na baka may isang nanloloko lamang kay Gina kaya nagkaroon ng laman ang cell phone niya. Pero imposible. Kung manloloko paano malalaman sa dis-oras ng gabing iyon na kami lamang mag-ina ang magkaharap at nag-uusap. Kahit na bali-baligtarin ko ang lahat ay hindi puwede. Kahit sino pang henyo na may kinalaman sa makabagong teknolohiya ay walang makapaglalagay ng card sa cellphone sa oras at sandaling iyon.

Gayunman ang pangyayaring nagkaroon ng laman ang cell phone ay hindi na nasundan.

Marami pang pagti-text na ginawa ang mga duwende. Gaya ng aking nabanggit sa mga unang labas ng pagtatapat na ito, ilang ulit naming sinubukan ni Gina na pagtabihin ang aming mga cell phones upang matiyak na walang nanloloko sa amin. Walang ipinagbago. Nakatatanggap ako ng text na ang ginamit ay ang cellphone ni Gina kahit na nakatago ito sa kanyang bag. Makikita ko ang number ng phone ni Gina roon. Madalas nilang akong tawaging "mother".

Minsan isang umaga ng Linggo ay nagpaalam si Gina na dadalo sa birhday party ng isang kaklase niya sa Pasig. Ayaw kong payagan. Malayo ang lugar. Isa pa ay galing siya sa sakit. Paano kung mabinat siya. Noon ay magtatapos na ang January 2001. Hindi pa rin regular ang kanyang pagpasok sa school.

"Sige na Mommy, tawag nang tawag ang kaklase ko," sumamo ni Gina.

"Ayoko. Baka ka gabihin doon."

"E di kinabukasan na ako uuwi."

"Hindi puwede," matigas kong sabi.

Noon may nag-text sa akin. Nakalagay sa text: "Payagan mo na siya Mother. Isinauli ko na naman ang mga gamit niya di ba?"

Galing kay Briana ang text. (Itutuloy)

AYAW

AYOKO

BRIANA

GAYA

GAYUNMAN

GINA

INISIP

KAHIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with