^

True Confessions

'Pinaglaruan kami ng mga duwende'

-
Parang sulat ng bata ngunit maliwanag ang mensaheng ibig ipaabot ng isang nagpakilalang Prinsesa Aryana. Gusto nitong maging kaibigan si Gina. Ipinagpatuloy namin ang pagbabasa sa sulat. "Kami ang may kagagawan ng mga bagay na nawawala rito. Gusto naming protektahan si Gina kaya ayaw namin siyang papasukin sa school. Ayaw namin siyang mapahamak."

Pagkaraan niyon, marami pang ipinaliwanag ang psychic na si Jane tungkol sa mga duwende o mga "elementals" na nasa aming bahay. Ang mga ito raw ay hindi mga bad spirit.

"Pero bakit nila itinali si Gina?" tanong ko.

"Gusto nga nilang protektahan."

"Protektahan saan?"

"Sa kapahamakan."

Nalito ako sa sinabi ni Jane. Bakit itatali e hindi naman umaalis sa gabi si Gina. Natutulog lamang ito.

"Maaaring nakikita nila na mapapahamak ang kanilang gustong maging kaibigan."

"Kung magwisik kaya ako ng holy water dito?" tanong ko uli.

"Huwag. Hindi ba’t sinabi kong hindi naman sila bad spirit. Ang ginagamitan lamang ng holy water ay ang masasamang espiritu."

"Pero bakit pati ang wallet ko ay pinakialaman. Di ba masama iyon? Nawalan pa ako ng 20 dollars. Malaking tulong sa amin ang 20 dollars."

"May paniwala akong ibabalik din nila sa iyo ang 20 dollars mo. Siguro ang pinakamabuti ay hintayin mo na lamang ang pagbabalik sa iyo ng nawala mong pera."

Wala raw akong dapat ipag-aalala, sabi ni Jane. Nagkaroon ako ng kapanatagan kahit na paano. Bago umalis si Jane, tinanong ko kung magkano ang ibabayad ko sa kanya. Wala raw. Hindi siya nagpapabayad. Ganoon pa man binigyan ko rin siya ng pera. Hindi iyon bayad kundi parang abuloy sa kanya. Kung ano man daw ang mga kakatwa pang mangyayari ay tawagan ko lamang siya. Pupunta uli siya sa bahay. (Itutuloy)

AYAW

BAKIT

GANOON

GINA

HUWAG

PERO

PRINSESA ARYANA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with