^

True Confessions

TC Report - 'Pinaglaruan kami ng mga duwende'

- Ika- 6 na labas -
Wala raw lagnat si Gina sabi ng doktor. Sinabi kong bago namin siya dalhin sa ospital ay kinunan ko ng temperature at talagang mataas ang lagnat at umuungol pa nga. Napailing-iling lamang ang doktor. Wala kaming nagawa kundi iuwi si Gina sapagkat wala naman pala kaming dapat ipag-alala.

Habang nasa sasakyan, nagtataka pa rin ako sa pangyayari. Hindi kaya dinadaya lamang ako ng paningin nang kunan ng temperature si Gina kanina. Hindi naman malabo ang aking mga mata. At talagang hindi maikakailang mataas ang lagnat ng aking anak dahil umuungol pa nga at tila nahihibang. Nangyari iyon noong unang linggo ng Nobyembre 2000. Papalya-palya na ang pasok sa school ni Gina.

Ang kasunod ng mga pangyayaring iyon ay mas matindi pa at talagang nasiguro ko na si Gina ang pinupuntiryang paglaruan ng kung sinumang hindi ko alam kung sino. Ganoon pa man, hindi pa rin ako lubusang kumbinsido na may mga ibang puwersa o mga lamanlupa na gumagawa ng ganoon sa amin. Matibay pa rin ang paninindigan ko na hindi totoo ang mga lamanlupa na gaya ng duwende, tiyanak, kapre at kung anu-ano pa.

Ikalawang linggo ng Nobyembre, sinabi ni Gina na gusto na niyang pumasok sa school dahil kaya na niya. Wala na naman siyang nararamdamang sakit ng ulo at lagnat. Para makatiyak ay hinipo ko ang noo. Wala ngang init. Magaling na. Sabi ko pa’y ako na ang maghahatid sa kanya sa school.

Inihanda ni Gina ang mga gamit niya sa school. Inilagay sa kanyang bag ang mga libro at notebook, ballpen at iba pa. Ipinatong ang bag malapit sa kinalalagyan ng personal computer. Sisikapin daw niyang makahabol sa klase sapagkat marami na siyang na-miss. Sabi ko’y huwag niyang pipilitin kung hindi kaya. Alam naman ng principal ang nangyari.

Naligo si Gina. Masigla siya sapagkat makapapasok na. Nagsuot ng kanyang uniporme. Nagsapatos. Karaniwang alas-6:30 ang alis niya sa bahay. Dinadaanan siya ng school bus.

Narinig namin ang busina ng school bus. Nang kukunin na niya ang bag ng gamit ay nagulat si Gina sapagkat wala ito sa kinapapatungan. Hinanap namin. Wala talaga. (Itutuloy)

ALAM

DINADAANAN

GANOON

GINA

HABANG

NOBYEMBRE

SABI

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with