'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-3 Labas)
September 6, 2001 | 12:00am
Ang dalawang pangyayari na may kaugnayan sa pagtawag sa telepono ay hindi ko gaanong binigyan ng pansin. Hindi ako ang taong iniintindi ang mga sa tingin koy maliliit na problema. Basta nangyari ay tapos na sa akin. Bilang isang teacher, sinanay ko ang aking sarili na maging positibo ang isipan. Kailangan ito upang maging halimbawa sa mga bata kong tinuturuan.
Pero nang ang aking anak na si Gina na ang kasangkot sa mga di-pangkaraniwang nangyayari sa aming bahay, ay unti-unti na akong nataranta. Si Gina talaga ang pinupuntiryang "paglaruan."
Nangyari ang sinasabi kong paglalaro noong magtatapos na ang October 2000. Si Gina noon ay nasa fourth year high school sa isang kilalang eskuwelahan. Hindi sa pagmamayabang, maganda ang aking anak na si Gina. Sa gulang na 15 ay dalagang-dalaga na kung kumilos. Palibhasay malaking bulas ang aking anak kaya may mga aali-aligid ng mga "bubuyog". Palabiro si Gina kaya maraming kaibigan.
Nakalimutan ko na ang dalawang kakatwang pangyayari at wala na akong inaasahang mangyayari pang ganoon.
Isang umaga ng Linggo, ay maaga akong gumising para magsimba. Ganoon ang ginagawa ko kapag Linggo. Sinisikap kong magampanan ang tungkulin sa Diyos. Nang bumangon ako ay nakita ko pang nanonood ng TV sa salas si Gina. Ang anak kong bunsong si Joy ay natutulog pa. Hinarap ko ang pagluluto ng almusal. Sinangag at pritong itlog ang aking iluluto. Isinalang ko ang kawali sa kalan. Nang kukunin ko na ang lalagyan ng mantika ay nagulat ako dahil ubos na pala ito. Inalis ko ang kawali sa kalan at tinawag si Gina para utusang bumili ng mantika.
Subalit nakailang tawag na ako kay Gina ay walang sumasagot. Inisip kong baka bumalik ito sa kuwarto at natulog muli. Sinilip ko sa kuwarto subalit wala naman. Inisip kong baka nagpunta sa bahay ng kanyang lolot lola o sa auntie na di-kalayuan sa amin. Wala akong nagawa kundi bumaba at bumili ng mantika. Nalaman ko pagkaraan na nagpunta sa kanyang auntie si Gina.
Kinagabihan, nagtungo ako sa bahay ng aking mga magulang. Iniwan ko si Gina na nag-aaral ng leksiyon. Hindi pa ako nag-iinit sa pagkakaupo kina Mama ay humahangos na dumating si Gina.
"Akinang pera Mommy!"
Nagulat ako. "Anong pera?"
"Pambili ng mantika. Di ba tinawag mo ako para pabilhin ng mantika?" - (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am