^

True Confessions

Mapait na Asukal (Ika-60 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Malapit nang magbeinte anyos noon si Jay at nasa huling taon ng Business Administration. Kabilang siya sa mga matatalino sa klase. Kahit na hindi niya gusto ang kurso ay pinilit dahil sa kanyang mommy. Takot siya. Sa kabila naman ng takot ay nagawa rin niyang tuklasin ang mga hiwagang bumabalot sa kanyang pagkatao at sumisikad sa damdamin. Maraming naituro sa kanya ang lalaki bago sila nagkahiwalay. Maraming beses silang naglaro. Hindi niya mabilang at nasisiyahan na siya kahit na may pagtutol. Sa dakong huli’y ayaw na niyang maging ipokrito.

Hindi na niya nakita ang lalaki lalo nang mag-gra-duate ito sa kanilang unibersidad. Balita niya’y nasa ibang bansa. Inilihim sa kanya ang pag-alis. Okey lang kay Jay. Mabuti nga at walang hahatak sa kanya sa lalo pang malalim at maling relasyon.

Sa kabila ng mga nangyari sa kanya at sa lalaki, nailihim iyon ni Jay sa kanyang mommy. Mahusay niyang naitago ang lahat. Hindi rin naman siya napag-ukulan ng pansin ng kanyang mommy dahil naging busy ito sa pag-aasikaso sa kanilang negosyo na parang hinihipang lobo. Pinasok na rin ng kanyang mommy ang negosyo ng fastfoods. Nagkaroon sila nang maraming branches at inokupa ang oras ng kanyang mommy. Walang tigil ang akyat ng pera. Sa kabila niyon hindi rin naman maawat ang kanyang mommy sa nakaugalian ng pag-inom ng alak. Palibhasa’y ang mga kaibigan ay mga matronang katulad niya at nabibilang sa matataas sa lipunan. May pagkakataong umuuwi ito sa kanilang bahay na lasing. At hindi naman niya ito maderetsang mapagsabihan. Isa rin sa nalaman niya ay ang pagbababad ng kanyang mommy sa gay bar. May pagkakataong narinig niya na ang pinag-uusapan ng mga kaibigan nitong matrona ay ang napanood sa gay bar. Hindi siya makapaniwala. Ganoon pala ang mga kababaihang nagkakaedad at masayang pinagkukuwentuhan ang tungkol sa mga ginagawa nila sa lalaking modelo. Pagkatapos ay magtatawanan at mapupuno ng malakas na halakhakan ang kanilang salas. Parang walang narinig si Jay.

Sabagay matagal nang biyuda ang kanyang mommy. At naghahanap din ito sapagkat bata pa rin naman at maganda.

Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit sa kanya hinanap iyon ng kanyang mommy. Mahirap isipin kahit na sabihin pang ampon lamang siya. Maling-mali.

Nagising siya isang madaling-araw na ginagawa iyon sa kanya. (Itutuloy)

BUSINESS ADMINISTRATION

GANOON

INILIHIM

KANYANG

MARAMING

MOMMY

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with