^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-52 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Nagulat si Jay isang umaga nang lapitan siya ng kanyang mommy. Unang pagkakataon mula nang mamatay ang kanyang daddy na nilapitan siya para kausapin. Sa palagay ni Jay, maliwanag na ang isipan ng mommy niya. Maaliwalas na ang mukha na parang nakatakas sa isang masamang bangungot.

"Ikaw ang paghahawakin ko ng negosyo natin kapag nakatapos ka ng pag-aaral kaya mag-aral ka pang mabuti," sabi ng kanyang mommy at inakbayan siya sa balikat. Tinapik-tapik. Bagamat hindi sinabi, pakiramdam ni Jay ay humihingi ng sorry ang kanyang mommy sa mga nagawang pagkukulang.

Siya raw ang paghahawakin ng negosyo. Kinabahan siya makaraang marinig iyon. Hindi niya hilig ang tungkol sa negosyo. Hindi sa ganoong larangan nakatutok ang kanyang isip. Mas gusto niya ang may kinalaman sa arts. Mas gusto niya ang may kinalaman sa film making. Katunayan kahit na nasa unang taon pa lamang siya sa high school ay may balak na siyang kunin sa kolehiyo. Communication arts o anumang may kaugnayan sa mass communication. Ito ang unang hakbang para makapasok sa mundo ng film industry.

"Tamang-tama na kumuha ka ng business administration. Kayang-kaya mo iyon. Sigurado ako," sabi ng kanyang mommy.

Tumutol siya.

"Pero mommy ang hilig ko’y mass communication."

Tumaas ang kilay ng mommy niya. Bumitaw sa pagkakaakbay sa kanya.

"Mass communication? Are you stupid? Ano ka bakla?" (Itutuloy)

ANO

BAGAMAT

BUMITAW

IKAW

ITUTULOY

KANYANG

MOMMY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with