^

PSN Palaro

Bakbakan na sa ROTC Games Mindanao Leg

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

ZAMBOANGA CITY , Philippines — Umarangkada na ang edition 2 ng Philippine Reserve Officers Training Course (ROTC) Games 2024 - Mindanao Qualifying Leg ngayong araw sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex (JFEMSC) Track Oval.

Tinatayang nasa 2,000 cadet-athletes mula sa colleges at universities sa Mindanao ang magpapa­ligsahan ng galing sa multi-sports kompetisyon na magsisimula ngayong araw at magtatapos sa Hunyo 29.

Ayon kay Mayor John Dalipe, pinakilos na nito ang kanyang mga bataan upang maibigay lahat ng kailangan at maging matagumpay ang pag-host ng Zam­boanga sa nasabing event sa ika-2 sunod na taon.

Magbabanatan ang mga kadete mula sa Phi­lippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy sa 14 sports na katuwang ang Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni Chairman Richard Bachman sa pag-organisa.

Maglalaban ang mga cadet athletes sa arnis, athletics, basketball, boxing, chess, E-Sports, kickboxing, sepak takraw, swimming, table tennis, taekwondo, target shoo­ting, volleyball at raiders competition.

Sa naganap na mga solidarity meeting kahapon ay nilarga ang tagisan ng isip sa chess event at dahil standard ang laban ay Rounds 1 at 2 lang ang isinagawa.

vuukle comment

ROTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with