Pinoy recruiter humalo sa repatriation, timbog - DMW
MANILA, Philippines — Isang Pinoy recruiter na nagpanggap na distressed worker ang dinakip nang matukoy na hindi siya kabilang sa isang batch ng human trafficking victims na pinauwi sa bansa, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ang recruiter ay sumabay umano sa isa sa 12 Pinoy na nasagip ng gobyerno mula sa scam farms sa Myanmar noong Pebrero.
Ang mga biktima ng human trafficking ay na-recruit sa pamamagitan ng Facebook ng isang Pinoy na nag-alok sa kanila ng trabaho bilang customer sales representatives sa Myanmar, subalit ginawa lamang silang online scammers na hindi pinasweldo at walang day-off, na dumanas pa ng pag-torture, binugbog, kinukuryente, at iba pang pisikal na pang-aabuso.
Kabilang sila sa mahigit 200 Pinoy na na-repatriate matapos mabiktima ng human trafficking sa Myanmar, kung saan ang pinakahuling batch ay nasa 176 na dumating na sa bansa nitong Miyerkules.
- Latest