30 tips mula sa mga nanay
1. Kapag napuwing ng alikabok, pumikit, tapos umubo nang ilang beses. Kusa nang matatanggal ang puwing.
2. Agad sabunan ang kagat ng lamok upang hindi mangati.
3. Kung nahihirapang balatan ang kastanyas, sandali itong painitan sa microwave oven. Mas mabilis mag-crack kung malutong ang balat.
4. Hindi makatulog? Hugasan ang paa ng maligamgam na tubig na may halong kaunting suka.
5. Ilagay sa singaw ng bibig ang dinikdik na tabletas ng Vitamin C or Vitamin B2.
6. Kung gusto mong mabilis na lumaki ang halaman, tubig na may tsaa ang ipandilig dito.
7. Mahirap maglagay ng eye drop kung kisap ka nang kisap. Ibuka ang bibig upang tumigil ang pagkisap ng mata.
8. Subukan mong mamili sa ukay-ukay store na malayo sa sakayan at hindi masyadong “puntahin” ng tao dahil “nakatago” ang tindahan. Doon ka makakakuha ng mga gamit at damit na magaganda.
9. Huwag manghinayang na gumastos nang extra amount sa dalawang bagay na ito: sapatos at higaan. Ang dalawang nabanggit ang lagi mong ginagamit at karugtong na ng iyong buhay. Kung hindi ka nakahiga, naglalakad ka gamit ang iyong sapatos.
10. May amoy sibuyas o bawang ang chopping board? Kuskusin ito ng kalahating lemon at kaunting asin, saka banlawan.
Itutuloy
- Latest















