^

Police Metro

Sinalakay ng PAOCC na BPO sa Bataan, ‘di POGO

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na hindi umano nila saklaw ng hurisdiksyon ang Central One Bataan PH Inc para legal na makapag-operate bilang isang business process outsourcing firm.

Ito ang inihayag ni Atty. Joseph Lobo, regulatory officer ng PAGCOR sa isinagawang pulong nitong Miyerkules ng Bataan Provincial Peace and Order Council.

Sa naturang pulong na pinangunahan ng chairman ng Bataan Peace and Order Council at gobernador ng Bataan na si Gov. Joet Garcia, mahigit sampu mula sa 300 empleyado ng Central One Bataan PH na dumalo sa naturang pulong ang nagkuwento ng kanilang hindi malilimutang mga karanasan sa isinagawang raid ng combined forces ng PNP Region3, CIDG at AFP sa pangunguna ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC).

May mga kinatawan mula sa mga nabanggit na ahensya subalit walang ipinadalang kinatawan ang PAOCC kahit na ayon sa DILG, ay pormal nilang inimbitahan si PAOCC Executive Director Gilbert Cruz.

Iginiit ni Atty. Cherry Anne Dela Cruz na hindi POGO hub ang Central One Bataan PH at saklaw ng AFAB ang regulasyon sa mga operasyon at hindi sakop ng direktang pa­ngangasiwa ng PAGCOR at ang pasilidad ay sumusunod sa mga patakaran ng BPO at hindi nakikilahok sa online gambling.

Ikinatuwa naman ni Governor Garcia ang mga bagong impormasyon at ng pamunuan ng Central One Bataan PH dahil patunay aniya ito na walang basehan ang naging raid ng PAOCC.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with