^

Police Metro

Luxury mini van kinarnap, binenta online: 4 suspek timbog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na indibiduwal ang arestado kabilang ang mismong driver ng nawawalang luxury mini van nang madiskubre na ibinebenta ito sa social media, sa magkakasunod na hot pursuit operations ng awtoridad hanggang nitong Biyernes ng mada­ling araw.

Hawak na ng Pa­rañaque City Police ang mga suspek na kinilala lang sa mga alyas na “Richard”, 35, driver ng kinarnap na mini van; “Michael”, 34; “Julius”, 49, at “Jonathan”, habang tinutugis pa ang isang alyas “Jun”.

Sa reklamo, noong Hun­yo 29, 2024  bandang alas-10:46 ng gabi, isang itim na Toyota Alphard na iniwang nakaparada sa parking ng isang convenience store sa Aseana Square, Macapagal Boulevard, Barangay Tambo, Parañaque City, ang nawala at naiulat na tinangay umano ng mismong driver nito na si alyas Richard.

Noong Hulyo 4, 2024, ini-report sa pulisya ng Malaysian national na si alyas “Kenny”, 32, na nakita niya ang nakarnap na sasakyan sa Facebook Marketplace na ibinebenta sa halagang P2.8 milyon kaya ikinasa ang operasyon. Nagkunwaring buyer si Kenny at sa transaksyon ay itinakda ang meet-up sa Airport Road, Brgy. Baclaran, na inilipat sa isang mall sa Pasay City.

Alas-11:50 ng gabi ng Hulyo 4, sa ikalawang meet-up location, nang kausap na ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo na sina Michael at Julius, sumenyas sa mga pulis si Kenny, kaya sila naaresto habang mabilis na sumibat ang isa pang suspek na si Jun at itinakas ang ibinebentang sasakyan.

Sa imbestigasyon, uma­min si Richard na naaresto rin sa operasyon na sinadya niyang iwan ang sasakyan, bago tinangay ni Jun, na siyang nag-post nito para ibenta online, at ikinanta rin na ang “mastermind” ay si alyas “Jonathan”.

Alas-12:09 ng umaga ng Hulyo, nadakip si Jonathan sa hot pursuit operation sa Brgy. Sto. Niño, Parañaque, na nakuhanan ng isang Taurus 9mm pistol at dalawang magazine na may 16 live round.

Tinutugis pa si alyas Jun para madakip at mabawi ang ninakaw na sasakyan.

vuukle comment

ARRESTED

CARNAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with