^

Police Metro

Tiyahin patay sa umbag ng pamangkin

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Tiyahin patay sa umbag ng pamangkin
Kinilala ang nasawing biktima na si Flordelisa Taotao Resolis, biyuda, residente ng NCR DENR Compound, North Aveune, Brgy. Vasra, Quezon City dahil sa mga tinamong pasa sa ulo at katawan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang 60-anyos na ginang matapos na siya ay wala awang ginulpi umano ng kanyang pamangkin na lalaki, kama­kalawa ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Flordelisa Taotao Resolis, biyuda, residente ng NCR DENR Compound, North Aveune, Brgy. Vasra, Quezon City dahil sa mga tinamong pasa sa ulo at katawan.

Nasa kustodiya naman ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit ang pamangking suspek na si John Vincent Resolis, 34, isang call center agent at residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang krimen sa loob ng bahay ng magtiyahin, alas-11:00 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 3.

Sa imbestigasyon, nakatanggap ang barangay ng ulat hinggil sa nangyayaring kaguluhan sa bahay ng magtiyahin kaya agad na nirespondehan ng mga taga- barangay at nadatnan ang suspek na umiiyak sa harap ng nakahandusay na biktima.

Agad na isinugod sa EAMC ang biktima habang inaresto ang suspek na kinasuhan ng parricide.

Napag-alaman na pinagsusuntok sa mukha at ulo ng suspek ang tiyahin sa hindi pa batid na kadahilan at  batay sa resulta ng cursory examination ay nagtamo ng hematoma ang biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with