^

Police Metro

2 pulis sibak, isa pa suspendido sa mga nawawalang kabataan sa Cavite

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang resolusyon ang ipinalabas nitong Miyerkules ng Philippine National Police (PNP) na nagsisibak sa dalawang pulis at pagsuspinde sa isa pa matapos mapag-alamang sila ang mga hu­ling nakakita sa dalawang kabataan na napaulat na nawawala.

Nakakuha ang PNP Internal Affairs Service ng CCTV footage kung saan mayroong walong indibidwal ang nakaparada malapit sa convenience store sa Imus, Cavite bandang ala-1:00 ng madaling araw ng Hulyo 13, 2023.

Ang grupo, na may kasamang tatlong pulis, ay makikitang pinapara at iniinspeksyon ang isang motorsiklo na may dalawang pasahero.

“Itong grupo na ito ng mga pulis at yung mga taga-barangay na sibilyan, yun ang huling kasama nung dalawang bata na nawawala… Sila ay naka-sibilyan nung ginawa nila ito,” ani PNP-IAS Inspector General Brigido Dulay.

“Hindi authorized yung kanilang checkpoint. Dapat naka-uniporme ka, dapat malinaw ang mga senyales mo, mag ­poster na nakadikit na ito’y checkpoint… Lahat hindi ginawa,” dagdag pa.

Samantala, maaari ring maalis sa pwesto ang dating Imus police chief dahil sa command responsibility.

Nakatakda namang maghain ang mga kaanak ng biktima laban sa tatlong pulis habang ang mga opisyal ng barangay na nasa checkpoint ay maaari ring maharap sa criminal cases.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with