Azkals Must-Win Kontra sa Myanmar

Laro Ngayon

(Supachalasai Stadium)

8:20 p.m. (9:20 p.m Manila time) Philippines vs Myanmar

(Rajamangala Stadium)

8:20 p.m. (9:20 p.m. Manila time) Thailand vs Vietnam

 

 

 

 

BANGKOK – Para makaiwas sa anumang komplikasyon, target ng Philippine Azkals ang panalo kontra sa Myanmar sa kanilang upakan sa 2012 AFF Suzuki Cup.

Magtatagpo ang Azkals at ang Myanmar ngayong alas-8:20 ng gabi (9:20 ng gabi sa Maynila) sa Supachalasai Stadium kasabay ng laro ng semifinalist ng Thailand at Vietnam sa Rajamangala Stadium.

Nagmula sa 1-0 panalo ang Azkals laban sa 2008 titlist na Vietnam sa Group A, habang yumukod naman ang Myanmar sa Thailand, 0-4.

Nauna nang umabante sa Final Four ang Thailand mula sa kanilang six points sa bisa ng dala-wang panalo.

“The victory over Vietnam puts us in a good position. It is in our own hands whether we proceed to the next round or not. The situation within the group is that every team still has a chance to go through,” sabi ni German coach Michael Weiss sa kanyang Azkals.  “So we should put ourselves in a winning mode and go for a win. So that everything is safe and we don’t have to depend on the result of the other teams.”

Ang draw sa Myanmar ang magbibigay ng komplikasyon sa Azkals kung mananalo naman ang Vietnam sa Thailand.

Mula noong 1995, anim na beses nabigo ang mga Pinoy booters sa Myanmar.

“I’ve always liked the style of Myanmar. It is interesting what they have achieved. They are always a serious opponent,” ani Weiss, nakaharap ang Myanmar sa 2011 AFC Challenge Cup qualifiers sa Yangon at sa Southeast Asian Games.

“We managed to have a draw on late equalizer from the home side when we played them in the (Yangon) Challenge Cup qualifiers,” sabi ni Weiss.

Show comments