^

PSN Palaro

Fighting Maroons dumikit sa sweep

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Fighting Maroons dumikit sa sweep
Pilit na kumakawala si Harold Alarcon ng UP sa kanyang bantay na UST player.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Kahit kulang sa sandata ay nanatili pa rin ang tikas ng last year’s runner-up University of the Philippines matapos nilang gilitan ang University of Sto. Tomas, 80-71 sa Season 87 ng UAAP men’s basketball na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.

Wala pa rin bahid ang karta ng UP sa anim na laro, namumuro sila sa elimination sweep pero tiyak na mapapalaban sila ng todo dahil makakatapat nila sa Linggo ang defen­ding champions De La Salle University.

“Ang importante is ma-match namin ‘yung effort nila. Alam naman natin na ang La Salle, every time they step on the court, particularly si Kevin Quiambao and si Mike Phillips, if you fail to match ‘yung effort na binibigay nila on both ends, we’re gonna be on the latter part and we don’t want that,” ani UP assistant coach Christian Luanzon.

Hindi naglaro ang isa sa tirador ng UP na si JD Cagulangan, mabuti na lamang at maganda ang inilaro nina Janjan Felicilda, Francis Lopez at Harold Alarcon sa payoff period.

Bahagyang lumabas ang bangis ng Growling Tigers sa kaagahan ng fourth quarter nang matapyasan nila sa tatlo ang kanilang hinahabol,65-68.

Subalit biglang pumutok ang opensa nina Felicilda, Lopez at Alarcon matapos umiskor ng 11 sunod na puntos upang muling lumayo sa 79-65 iskor may 3:22 na lang sa orasan.

Muling nakapuntos ang UST ng dalawa sa 2:37 mark mula sa dalawang free throws ni Nic Cabañero, 67-79 pero hindi na ito pinadikit ng Fighting Maroons para makuha ang matamis na panalo.

Namuno sa opensa para sa UP si Alarcon na nagtala ng 16 points.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with