^

PSN Opinyon

Planong hydroelectric dams sa Benguet, maanomalya

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MAANOMALYA ang itatayong tatlong hydroelectric power plants ng Tagle Corporation sa Eddet River Kabayan, Benguet. Ang tatlong magkakahiwalay na hydroelectric dams ay ang: 4.5-megawatt Eddet HEPP, 6-megawatt Eddet 2 HEPP at 20-megawatt Kabayan 4 HEPP.

Isinasaad sa Indigenous Peoples Rights Act,  kinakaila­ngan makakuha ng Certificate of Precondition ang Tagle Corp. sa National Commission on Indigenous Peoples, bago ang prosesong free-prior-informed-consent o katibayan nang pagpayag ng mga apektadong katutubo sa Benguet.

Ang ikinagagalit ng mga katutubo, pinagsama-sama sa iisang free-prior-informed-consent ang tatlong proyekto, imbes na tatlong magkakahiwalay na proseso.

Ayon sa mga katutubo, kinakasangkapan ng mga nagtataguyod ng dam projects ang Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS) System dahil binibigyan sila ng 105 araw para pumayag o hindi sa proyekto kasama na ang pagproseso ng NCIP sa CP.

Ang EVOSS ay prosesong online sa pagsusumite ng lahat ng impormasyon sa iisang decision-making portal upang makakuha ng permits kaugnay sa mga power generation, transmission at distribution projects.

Minamadali ang tatlong dam projects sa tulong ng mga impluwensiyang pulitiko at ibang opisyal ng pamahalaan ng Benguet. Naninindigan ang mga katutubo na walang narating na consensus sa mga proyekto ayon sa tradisyonal na decision-making processes ng mga nakatatanda ng Kabayan Ancestral Domain.

Dapat mag-imbestiga ang Department of Environment and Natural Resources dahil ang dalawang dam projects ay itatayo sa Eddet River na nakapaloob sa Mt. Pulag National Park.

* * *

Para sa reaksiyon, i-send sa: [email protected]

BENGUET

PROJECTS

RIVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with