^

True Confessions

Hiyasmin (236)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“MALIGAYA ako Mareng Julia sapagkat ang magiging kasama ni Hiyas­min habambuhay ay si Dax. Napakasuwerte ng anak ko sapagkat ang napili niya ay napakabuting tao. Bihira na ngayon ang makatagpo ng lalaki na katulad ni Dax. Kahit paulit-ulit ko na itong sinabi, hindi ako magsasawang sabihin na nag-iisa sa mundo si Dax—wala siyang makakatulad! Si­nabi ko na ito kay Dax noon—sabi ko, lubha siyang kakaiba at nagpapasalamat ako nang labis sa kanya.’’

Hindi agad nakapagsalita si Nanay Julia sa madamdaming sinabi ni Mama Lira kay Dax. Natutuwa siya sapagkat ganun na lamang ang pagtitiwala ni Mama Lira kay Dax.

“Salamat Mareng Lira sa pagtitiwala mo kay Dax. At kung gaano mo kamahal si Dax, ganoon ko rin kamahal si Hiyas­min. Noong una ko siyang makita ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Pakiramdam ko, napakabuti niyang babae at magiging ulirang asawa. Kaya sinabi ko sa kanya nang harap-harapan na gusto ko siya para kay Dax. Nagmaka­awa pa nga ako sa kanya na tanggapin si Dax. Pero yun pala, pareho silang may pagtingin sa isa’t isa.

“Halos napaiyak ako nang malaman na mayre­lasyon na silang dalawa. Ni­yakap ko si Hiyasmin sa sobrang tuwa. Salamat Mareng Lira at si Hiyasmin ang magiging kasama ni Dax habambuhay.”

“Ang suwerte nating pareho, Mareng Julia, ha-ha-ha!”

“Oo nga Mareng Lira!”

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with