Hiyasmin (234)
“Maraming beses nagsumbong sa akin si Hiyasmin na sinisilipan siya ng demonyo habang naliligo. Nasa high school na si Hiyasmin noon. Nagtataka raw siya habang naliligo dahil may kaluskos sa may pinto ng banyo. Dali-dali raw siyang nagbihis at biglang lumabas mula sa banyo. Huling-huli raw niya ang demonyo na nakatayo at halatang may kaduda-dudang ginawa. Hindi raw malaman ang gagawin.
“Isinumbong sa akin ni Hiyasmin ang ginawa ng demonyo. Kinumpronta ko ang demonyo pero ako pa ang sinaktan. Huwag ko raw siyang pakialaman. Sa takot ko, nagsawalang kibo na lang ako. Wala akong magawa dahil sa takot.
“Nagpatuloy ang ginagawa ng demonyo sa pamboboso kay Hiyasmin. Nagsumbong uli sa akin si Hiyasmin. Natatakot daw siya na baka kung ano ang gawin sa kanya ng demonyo—baka pasukin daw siya sa banyo at gahasain siya.
“Pero wala akong nagawa dahil sa takot. Dahil natatakot na si Hiyasmin sa maaring mangyari, nagpasya na siyang bumukod ng tirahan.
“Hindi ko siya pinigilan. Alam ko, yun ang mabuti. At isa pa, wala rin naman akong magawa para labanan ang demonyo.
“Nang umalis si Hiyasmin sa bahay, umiyak ako. Yun lang ang kaya kong gawin—ang umiyak!”
(Itutuloy)
- Latest