^

Bansa

PNP: Bato walang paramdam

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP: Bato walang paramdam
Sen. Ronald "Bato" dela Rosa speaks with broadcast journalist Jessica Soho on her show "Kapuso Mo, Jessica Soho" in a May 13 interview aired on Saturday, May 17, 2026.
GMA News / KMJS / screenshot

May 3 araw para sumuko

MANILA, Philippines — Wala pang natatanggap ang Philippine National Police (PNP) na “surrender feelers” o pahiwatig ng boluntaryong pagsuko ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. 

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Allen Rae Co, ang isang linggong palugit na ibinigay sa senador ay tanda ng kabutihang-loob upang mabigyan siya ng pagkakataong sumuko nang maayos at may dignidad.

Tatlong araw na lamang bago ang itinakdang deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagsuko ni Dela Rosa. Dahil dito, nag-deploy ang PNP ng karagdagang mga tracker team upang matukoy ang kinaroroonan ng senador.

Gayunman, iginiit ng PNP na mas nais ng mga awtoridad na boluntar­yong sumuko si Dela Rosa upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na pangyayari sa oras na siya ay matagpuan.

Wanted si Dela Rosa ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kinalaman sa kampanya kontra droga ng dating pangulong Rodrigo Duterte. Inakusahan ang senador bilang kasab­wat sa mga umano’y kr­imeng iniimbestigahan ng korte.

Nauna nang sinabi ng DILG na nagtatago umano si Dela Rosa sa Mindanao at pinoprotektahan ng isang armado at makapangyarihang grupo. Nag-alok din ang mga awtoridad ng P50 milyong pabuya para sa impormasyong magdudulot sa pagkakaaresto sa senador.

Samantala, patuloy na tinutugunan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga impormasyong natatanggap hinggil sa posibleng kinaroroonan ni Dela Rosa. 

Ayon kay NBI chief Melvin Matibag, hindi titigil ang ahensiya sa pagsubaybay sa lahat ng posibleng lead upang matukoy ang kinaroroonan ng senador. 

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with