^

Bansa

NTC, pinakilos ang regional offices para sa Undas 2026

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
NTC, pinakilos ang regional offices para sa Undas 2026
Cemetery workers and visitors clean and prepare apartment tombs for their departed loved ones at Karuhatan Public Cemetery in Valenzuela City on October 27, 2026 ahead of All Saints’ Day and All Souls’ Day.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Pinakilos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng regional office nito sa bansa para makipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor sa paghahanda para sa Undas 2026, mula Okt. 31-Nob. 2.

Ayon kay NTC Commissioner Atty. Ella Blanca B. Lopez, napakaimportante ng maayos na koordinasyon at komunikasyon para matiyak ang kaligtasan ng publiko at agarang pagtulong sa mga dadalaw sa mga sementeryo at memorial park.

Sa ilalim ng inilabas na memorandum, kaila­ngang makipag-ugnayan ang mga NTC regional director sa mga lokal na pamahalaan, pulisya, disaster response teams, at iba pang kinauukulang ahensiya sa kanilang mga lugar.

Kailangan din nilang subaybayan ang mga Civic Action Group at Amateur Radio Group na magbibigay ng tulong ngayong Undas. Kabilang dito ang pagtukoy sa kanilang mga ruta, kinaroroonan ng mga tauhan at assistance post, at pati na ang mga lokasyon ng kanilang radio base station.

Makikipag-ugnayan din ang NTC sa mga telecommunications company upang matugunan ang mga problema sa serbisyo at makatulong na mapanatiling maayos ang signal, lalo na sa mga lugar na inaasahang dadagsa ang mga tao.

Pinayuhan naman ng NTC ang publiko na sundin ang mga paalala sa kaligtasan, alamin ang mga emergency hotline sa kanilang lugar, siguruhing may sapat na charge ang cellphone at manatiling nakikipag-ugnayan sa pamilya.

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with