Senador Bato ‘di dapat maging ehemplo sa mga pugante

Ayon sa Malacañang
MANILA, Philippines — Muling hinikayat ng Malacañang si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko at huwag maging masamang halimbawa sa iba pang mga pugante sa patuloy umano nitong pagtatago.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, binigyan na ng sapat na panahon ang senador upang kusang-loob na sumuko nang hindi na kinakailangang kumilos pa ang mga awtoridad para ipatupad ang kanyang pag-aresto.
Sinabi ni Castro na kung patuloy na magmamatigas ang isang taong pinasusuko, tila binabalewala nito ang batas, ang pamahalaan, at maging ang mga law enforcement agencies. Dahil dito, aniya, magpapatuloy ang paghahanap kay Dela Rosa at hindi titigil ang kapulisan hangga’t hindi ito natatagpuan.
Dagdag pa niya, bilang isang nakaupong senador at dating hepe ng Philippine National Police (PNP), si Dela Rosa pa mismo ang dapat unang nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa batas.
“Huwag siyang maging ehemplo o modelo sa mga taong may kinahaharap na warrant of arrest at pinipiling magtago,” ayon kay Castro.
- Latest


















