5 ‘tulak’ huli sa Bacoor buy-bust

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang limang kalalakihan na pawang mga nasa Street Level Individuals sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng madaling-araw sa Sorrento, Brgy. Habay 1, Bacoor City.
Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina alyas Josemar, Jaspher, Jebenzi, John at Darwin, pawang residente ng lugar.
Base sa ulat ng pulisya, alas-3:00 ng madaling araw nang isagawa ng pulisya ang buy-bust laban sa mga suspek.
Isang pulis na tumayong poseur-buyer ng shabu at nakipag-deal sa mga suspek.
Nang magpositibo ng transaksyon, ikinasa ang buy-bust ng mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Bacoor City Component Police Station (CCPS) sa tulong ng PDEA laban ng mga suspek na matagumpay na naaresto.
Nasamsam sa operasyon ang 6-plastic sachet ng shabu na nasa 4.3 gramo at nagkakahalaga ng P29,240; at isang improvised firearm (sumpak).
- Latest




















