^

Probinsiya

Kawani ng LGU timbog sa droga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kawani ng LGU timbog sa droga
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

BACACAY, Albay, Philippines — Kalaboso ang isang kawani ng lokal na pamahalaan sa Albay matapos mahulihan ng shabu, baril at mga bala sa ginawang search warrant operation sa kanyang bahay sa Brgy. Igang, Bacacay ng lalawigang ito.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek na si alyas “Boyet”, 46-anyos, may-asawa, residente ng naturang barangay, empleyado ng hindi binanggit na bayan at itinuturing na high value individual drug personality.

Sa ulat, alas-11:45 ng gabi sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte ay magkatuwang na sinalakay ng mga tauhan ng Bacacay Municipal Police Station at 2nd Albay Provincial Mobile Force Company na siyang lead unit sa pangunguna ni Lt. Col. Freddy Herry, ang bahay ng suspek.

Sa paghahalughog sa lugar, natagpuan ang 3-medium plastic sachet na may hinihinalang 13.4 gramong shabu na may P91,120 na halaga; isang hindi malamang kalibre ng baril, isang magazine at pitong bala nito.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with