^

Probinsiya

P17 milyong puslit na yosi nasabat sa checkpoint

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
P17 milyong puslit na yosi nasabat sa checkpoint
Masusing inimbentaryo ng mga pulis ang nasabat na mahigit P17-milyon halaga ng imprted na siga­rilyo na nasabat sa isang checkpoint sa Parang, Maguindanao del Norte noong Lunes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Maagap na napigilan ng mga pulis nitong Lunes ang tangkang paghahatid ng mahigit P17 milyong halaga ng imported na sigarilyo sa mga retailer sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao del Norte at sa Cotabato City, kapwa sakop ng Bangsamoro region.

Ayon kay Police Captain Steffie Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) na naka-base sa Camp SK Pendatun sa Barangay Makir sa Parang, naharang matapos ang maik­ling habulan, sa Barangay Nituan sa Parang, Maguin­danao del Norte, ang isang van-type truck na kargado ng mga sigaril­yong gawa sa Indonesia ng mga humahabol na mga operatiba ng iba’t ibang units ng PRO-BAR

Sinabi ni Salanguit na unang tumangging huminto ang driver ng truck na may kargang milyun-milyong halaga ng kontrabando nang parahin sa isang anti-smuggling checkpoint sanhi upang magkaroon ng habulan hanggang sa ito ay maabutan.

Nakumpiska ang 300 master cases na naglalaman ng 15,000 reams ng Fort brand na sigarilyo na maayos na nakasalansan sa cargo deck ng van-type truck, na walang mga kaukulang dokumento ng kargamento.

Ayon kay Salanguit, ang driver ng nasabat na truck na si Khalid Masi, ng Barangay Bugasan Norte, Matanog, Maguindanao del Norte ay nakakulong na at nakatakdang kasuhan sa tangkang cigarette smuggling at sa pag-iwas nito sa checkpoint.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with