Food facts
• Kumain ng dark chocolate bago mag-review para sa exam upang tumaas ang level ng concentration.
• Ang red bell pepper ay mas mayaman sa Vitamin C kaysa oranges.
• Kumain ng 1-2 kutsaritang honey 30 minutes bago matulog dahil nagpapahimbing ito ng tulog.
• Ang pagkain ng dark grapes ay nakakabawas ng stress at nakakarelaks ng utak.
• Mas mataas ang fiber ng popcorn kaysa whole grain bread.
• Ang pagkain ng isang avocado ay sapat na upang tumagal ang iyong energy sa limang oras na training.
• Para sa healthy gums, kumain ng broccoli.
• Ang green tea, red wine at olives ay mainam na proteksiyon laban sa breast cancer.
• Pinuprotektahan ng potassium ang ating ugat na mabarahan ng “fats” mula sa mga pagkaing masebo. Kaya kumain ng mayaman sa potassium: kamote, kamatis, beans, yogurt, clams, prunes, carrot juice, molasses, isda, soybeans, melon, pakwan, saging, gatas, orange juice, etc.
• Ang saging bukod sa mayaman sa potassium, ay pinipigilan ang paglobo ng tiyan or “bloating”.
• Ang kamote ay nagpapaganda ng kutis.
• Nakapagpapatalino ang walnuts.
• Nakakatibay ng buhok ang salmon.
• Mas maraming lycopene na makukuha sa nilutong kamatis kaysa hilaw. Ang lycopene ay anti-oxidant. Ibig sabihin nire-repair nito ang body cells na nasira kapag ikaw ay nagkasakit.
- Latest