^

Metro

Opisyal ng delivery app todas sa tumakas na rider

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang opisyal ng delivery app matapos na barilin ng isang motorcycle rider na unang sinita ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Quezon City.

Isinugod pa sa Rosario Maclang Bautista Hospital ang biktimang si Wilmer Caponpon Zara, 31, residente ng Imperial St. Litex Village, Barangay San Jose Montalban Rizal.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakasuot ng kulay itim na T-shirt na may logo na Eagles at sakay ng motorsiklo.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD) nangyari ang insidente bandang alas-6:26 ng gabi nitong Biyernes sa harap ng Bingo Fortune sa Commonwealth Ave. Barangay Commonwealth, Quezon City.

Sa pahayag ni Leira, 27, misis ng biktima, kumakain sila ng siomai sa Soliven St. Corner Commonwealth Avenue nang mapansin nilang sinita ng dalawang MMDA ang suspek.

Sa halip na huminto,tuluy-tuloy sa pagtakas ang rider.

Dito hinabol ng biktima ang rider hanggang sa magkaroon ng putukan at nakitang nakabulagta ang biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng SOCO na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya.

MMDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad