Alice Guo nakatrabaho ng Chinese spy
‘Paniniktik’ sa Pinas simula pa noong 2016
MANILA, Philippines — Taong 2016 nang magsimula ang ‘paniniktik’ sa Pilipinas kung saan nakatrabaho si dating Bamban Mayor Alice Guo.
Ito ang ibinunyag ng Chinese ‘spy’ na si She Zhijiang sa Al Jazeera documentary at sinabi nito na nagkakaso siya sa China at pinaaresto sa kasong illegal gambling.
Pinangakuan siya ng kanyang recruiter na ibabasura ang kanyang kaso kung tatanggapin ang ‘intelligence work’.
Dito na nagsimula ang kanilang paniniktik kasama si Guo para sa Ministry of State Security ng China na umano’y secret police agency ng communist party.
Sinegundahan din ni She ang imbestigasyon ng Senador na purong Chinese si Guo na ang ina ay si Lin Wen Yi.
Ani She, nakasaad din aniya sa record na si Guo Hua Ping ay tumira sa Fujian province na local address Communist Party ng China.
Dagdag pa ni She, sinira ng China ang kanilang buhay ni Guo at dapat nang sabihin ni Guo ang totoo.
Si She ay kasalukuyang nakapiit sa Thailand at naghain ng repatriation sa China.
“Hindi po ako spy. Totally po hindi ako spy. Hindi ako ang nasa picture at hindi rin po ako ang sinasabi niya. Kakausapin ko ang aking abogado lalo na sa network, magdedemanda ako,” wika ni Guo.
Ayon naman kay Senate President Francis Escudero, desisyon na ng Departments of Justice (DOJ) at Foreign Affairs (DFA) kung makikipag-ugnayan sa Thailand authorities para mas maimbestigahan ang ibinunyag ni She laban kay Guo.
- Latest