^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Karumal-dumal

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Karumal-dumal

NAKAKAPANINDIG balahibo ang isiniwalat ng isang opisyal ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa hearing ng House quad committee noong Huwebes ukol sa nangyaring pagpatay kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) secretary Wesley Barayuga noong Hulyo 30, 2020 sa Mandaluyong City. Ayon kay Lt. Col Santie Mendoza, lumantad siya dahil kailangang manaig ang katotohanan. Napag-utusan umano siya na ipapatay ang taong walang kasalanan. Natatakot din umano siya sa kanyang buhay at kanyang pamilya kaya ipinasyang lumantad at sabihin ang lahat.

Sabi ni Mendoza, inutusan umano siya ni dating NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo na patayin si Barayuga sa utos naman ni dating PCSO Generalo Manager Royina Garma. Ayon kay Mendoza, ipinapapatay si Barayuga dahil sangkot umano ito sa illegal drugs.

Nang sabihin umano ni Mendoza na magsasagawa siya ng profiling kay Barayuga, sinabi ni Leonardo na hindi na kailangan dahil tapos na at ibibigay na lang sa kanya ang profile at plate number, kulay at uri ng sasakyan ni Barayuga. Pati ang retrato umano ni Barayuga ay ibinigay para madali itong makilala. Sabi pa raw ni Leonardo sa kanya, ang isasagawang proyekto o pagpatay ang magdidikta sa direksyon ng kanyang karera bilang isang pulis.

Sabi ni Mendoza sa pagdinig, hindi niya matanggihan si Leonardo dahil upper classmen niya ito sa Philippine National Police Academy. At isa pa, ang nag-uutos mismo ay ang PCSO general manager. Binigyan umano siya ng P400,000.

Ipinasa umano niya ang lahat ng impormasyon sa asset na si Nelson Mariano at ito naman ang kumontak sa gunman na kinilala sa alyas Loloy. Isinagawa ng gunman ang pag-ambush sa corner ng Calba­yog at Malinao Streets sa Bgy. Highway Hills, Mandaluyong City, makaraang lumabas sa tanggapan ng PCSO si Barayuga dakong alas tres ng hapon. Nang maipit sa trapik si Barayuga, doon na siya pinagbabaril. Mabilis na tumakas ang gunman. Maraming nakakita sa pag-ambush.

Itinanggi naman nina Leonardo at Garma ang akusasyon ni Mendoza. Hindi raw nila ito kilala. Wala raw silang nalalaman. Kasalukuyang nakapiit sa House of Representatives sina Leonardo at Garma dahil sa pagsisinungaling.

Nakakapanindig balahibo ang pangyayaring ito na isang opisyal ng PCSO ang walang awang pinatay at ang “utak” ay taga-PCSO rin. May kinalaman daw sa droga ang biktima kaya pinapatay.

Ganito rin ang karaniwang dahilan kaya maraming pinatay sa war on drugs ni dating President Duterte. Pero ang nangyari kay Barayuga ay kakaiba dahil may kaugnayan umano sa corruption sa PCSO kaya ito pinapatay. Dapat mahalukay ito nang malalim at maisilbi ang hustisya sa kawawang bikima.

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with