^

Punto Mo

PUVMP tuloy na nga ba?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAKASALALAY kay Pangulong Bongbong Marcos kung itutuloy ba o sususpendihin na naman sa makailang ulit ang PUV Modernization Program (PUVMP).

Sa ngayon tinatawag itong Public Transport Modernization Program (PTMP).

Asahan na kung ano ng magiging desisyon dito ng ­pangulo may grupong magdaramdam kung hindi papabor sa kanila ang magiging desisyon.

Hati kasi dito ang pananaw ng transport groups.

May pabor na ituloy ito, meron namang tumututol sa pagpapatupad nito.

Umugong muli ang tungkol sa programang ito matapos na 23 senador ang maghain ng resolusyon para sa pansamantalang pagsuspinde sa PTMP.

Nagbunyi ang ilang grupo na tutol talaga sa programa dahil umano sa malaking bilang ng kanilang mga miyembro ay hindi nakasama sa konsolidasyon.

Umaray naman ang isang bahagi ng transport groups, lalo na yung mga tumugon sa programa at namuhunan na.

Pero kahapon mukhang nabuhayan ng loob ang mga nagsagawa ng ‘Unity Walk’ nang ihayag ni LTFRB  chairperson Teofilo Guadiz III, na  tuloy na tuloy ang PUVMP at suportado ito ng Pangulo sa kanbila na pinasususpinde ng mga senador.

Matagal na ang programang ito, makailang ulit na rin itong sinuspinde at hindi ­maipatupad-tupad dahil sa kabi-kabilang mga paghirit.

Malamang na may ikinakasa naman ngayong pagkilos ang tumututol dito. Hindi na matapus-tapos.

vuukle comment

PUVMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with