CIDG, pumatol na sa cigarette smuggling!
PUMATOL na ang Criminal Investigation and Detection Group para habulin ang mga nasa likod ng cigarette smuggling sa Southern backdoor ng Pinas. Katunayan, limang buy-bust operations ang isinagawa ng mga tauhan ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco nito sa PRO12 sa Mindanao. Lagot ka ngayon Boss Sakur! Kung sabagay, itong CIDG ay nagpakitang gilas sa trabaho laban sa cigarette smuggling subalit ang PRO12 kaya? Alam kaya ni Boss Sakur ang kasagutan? Tanong lang po. Itong kampanya ng CIDG ay alinsunod sa itinatag ni Francisco na Oplan MegaShopper na ang target ay cigarette smuggling. Tumpak na itaguyod ng CIDG at iba pang tropa ng PNP itong paghabol ng cigarette smuggling dahil mismong si President Bongbong Marcos ay nababahala na dito. Mismoooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Hindi biro itong problema ng cigarette smuggling dahil iniinda ito ng legal na cigarette manufacturers. Biro n’yo mga kosa, P70 bilyon ang nawawala sa kaban ng gobyerno sa pamamagitan ng buwis kapag nagpatuloy ang operation nito sa Pinas, di ba Boss Sakur? Kapag tinangkilik kasi ng mga Pinoy itong murang ismagel na sigarilyo, natural na walang bibili sa mga produkto ng legal manufacturers kaya’t lugi din sila dito. Marami ding mga Pinoy ang mawawalan ng trabaho dahil magsasarahan ang mga opisina ng mga legal manufacturers sa probinsiya kung saan talamak ang bentahan ng mga ito. Eh di wow! Kaya tama lang na ang buong PNP, at maging ang CIDG, ay humabol na din sa sindikato na nasa likod nitong cigarette smuggling. Mismooooo!
Magkasunod na buy-bust operation ang isinagawa ng mga tauhan ni Francisco sa North Cotabato at South Cotabato nitong September 5 at samu’t-saring sigarilyo na nagkakahalagang P3.6 milyon ang nakumpiska. Behhhh buti nga! Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay may tatak na Modern, Commando, Astro, B&R, Two Moon, L Six, Black Jack, Beau Fort, D&B, TM King, Premiex, Marcels, New Berlin, San Mareno, Canoon, Delta, at The Best. Pamilyar ba kayo sa mga sigarilyong ‘yan mga kosa? Parang hindi naman sikat dito sa Pinas ang mga ‘yan. Mukhang sa probinsiya ikinakalat at tinatangkilik din naman dahil mura. Araguyyyyyy! Ang sakit sa bangs nito!
Ang mga inaresto ng mga bataan ni Francisco ay sina Jammed Hamiden, 45, sa Bgy. Poblacion, Mlang North Cotabato; Asib Baomal Anton, 47, sa Purok Masipag, Bgy. Sta. Cruz, Koronadal City, at sina Maskor Budin, Bobong Bandala, at Juny Banglay sa Purok Maunlad, Bgy. Silway 8 sa Polomolok, South Cotabato. Daan-daang boxes na naglalam ng reams ng smuggled cigarettes ang nakumpiska sa kanila, kasama na ang ginamit na “boodle” money. Ang mga smuggled cigarettes ay nadatnan ng CIDG operatives na nakasalansan sa mga bodega. Ang nakuhang epektos kay Hamiden ay nagkakahalagang P670,000; kay Anton sa P360,000, samantalang kina Budin, Bandala at Banglay sa P833,000. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Tiyak swak sa banga itong mga inaresto dahil armado ng body worn cameras o alternatice recording devices ang mga CIDG raiders. Hindi lang ‘yan! May mga testigo din sila na mga barangay officials at media. Eh di wow! Ang mga inaresto ay kakasuhan sa tulong ng Bureau of Customs. Matagal man subalit mapupuksa din itong cigarette smuggling. Ok ba Boss Sakur? Abangan!
- Latest