^

Punto Mo

Maid of Honor (238)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAY kamukha ka pong artista,’’ sabi pa ni Yana sa mommy ni Ram na nagngangalang Celia.

“Talaga? Artistahin pala ang beauty ko, ha-ha-ha!’’

Nagtatawa si Ram nang biglang sumabat. “Pareho kayong artistahin. Pareho kayong maganda.’’

Nagtawanan sina Yana at Mommy Celia. Mataginting ang halakhak ni Mommy Celia na halatang gustung-gusto si Yana para kay Ram.

“Masayahin ka rin pala ano Yana?’’ sabi ni Mommy Celia.

“Opo. Nahawa po yata ako kay Ram, ha-ha-ha!’’

“Correction. Ako ang nahawa mo, ha-ha-ha!’’ sabi ni Ram. Lalo pang napuno ng halakhakan ang salas na kinaroroonan ng tatlo. Napansin ni Ram na kakaiba ang kasiyahang na­ramdaman ng kanyang mommy. Ngayon lamang ito naging mataginting ang halakhak. Dahil kaya kay Yana? Gustung-gusto nito si Yana.

“Siyanga pala Mommy, sa summer next year, sa beach resort ng sister ni Yana tayo magbabakasyon. Napakaganda at napakatahimik daw doon sabi ni Yana.’’

“Talaga Yana?’’

“Opo.’’

“Nasasabik akong makarating sa inyo. Gusto kong magtagal dun.”

“Opo. Kahit po gaano kayo katagal ni Ram.”

Lalong nakadama ng saya si Mommy Celia.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with