^

Punto Mo

Maid of Honor (244)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Salamat naman at mabuti na ang ka­lagayan ni Pareng Rocky. Nasasabik na tuloy akong makita siya,’’ sabi ni Honor.

“Huwag kang mainip Kuya at magkikita rin kayo ng kaibigan mo. Ilang buwan na lang po at magbabakasyon na tayo sa resort ni Inah,” sabi ni Yana.

“Dapat pala magplano na tayo ng mga gagawin natin doon. Kailangan marami tayong baon na pera,’’ sabi pa ni Honor.

“Hindi na po kailangan ang maraming pera dahil sagot naman lahat ni Inah ang mga gastusin, Kuya. Ni isang kusing ay wala tayong gagastusin doon.’’

“Ganun ba? E paano kung magtagal tayo roon?’’

“Sabi po ni Inah e kahit dun na tayo tumira. Wala raw pong problema.’’

“Aba dun na ako titira!’’ sabi ni Bianca at saka tumawa nang malakas.

“E di bumili tayo ng resort dun,’’ sabi ni Honor.

“Aba good idea yan, Ho­nor. Para sama-sama na tayo,’’ sabi ni Bianca.

“Yana, tanungin mo nga si Inah kung may mabibiling property sa tabing dagat na puwedeng gawing resort,’’ sabi ni Honor.

“Sige po Kuya.’’

Hindi makapaniwala si Bianca sa plano ni Honor.

“Seryoso ka Honor?’’

“Oo Bianca. Magreretiro na ako sa opisina at dun na tayo sa probinsiya.’’

Napatangu-tango na tila nasisiyahan si Bianca.

“Masisiyahan kayo roon, Kuya, Ate. Dun na kayo magreretiro,’’ sabi ni Yana.

“Oo nga Yana. Dadalaw na lang kami rito. Siyempre ang mga bata e dito mag-aaral,’’ sabi ni Honor.

“Oo nga po.’’

MAKALIPAS pa ang apat na buwan at nagtapos na sa kolehiyo sina Yana at Ram. Tuwang-tuwa ang mga ito habang kinukunan ni Bianca ng retrato. Natupad din ang pangarap ni Yana na makatapos ng pag-aaral.

(Itutuloy)

vuukle comment

HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with