^

Punto Mo

Government forces panatilihin sa WPS

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ipinag-utos mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa government forces na panatilihin ang presensiya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, ayon sa National Maritime Council (NMC).

Ito ay kasunod ng pagbabalik ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) mula sa Escoda (Sabina) Shoal.

Sinabi ni NMC spokesman Alexander Lopez sa panayam sa Malacañang na kasunod ng utos ng Pangulo, ang Philippine Coast Guard (PCG) ay magpapadala ng bagong sasakyang-dagat na magbabantay sa lugar.

Dahil dito tiniyak kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG) na plano ng Pilipinas na magdeploy muli ng panibagong barko sa Escoda Shoal, kapalit ng BRP Teresa Magbanua.

Matatandaang nitong Linggo ay bumalik at dumaong na ang BRP Teresa Magbanua sa pantalan ng Puerto Princesa, Palawan bunsod na rin ng kawalan ng sapat na suplay, gaya ng pagkain at tubig, at pagkakasakit ng ilang tripulante nito.

Kinumpirma naman ni PCG spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na may iba pang mga barko na plano ng Pilipinas na ipadalang muli sa Escoda Shoal.

Hindi pa nagbigay ng petsa at detalye si Tarriela kung kailan ito magaganap ngunit sinabing ito’y sa lalong madaling panahon.

Paniniguro pa niya, pananatilihin ng Pilipinas ang presensiya sa naturang pinag-aagawang teritoryo.

Abril nang ipadala ng Pilipinas ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal upang magbantay kasunod ng ulat ng nagsasagawa umano ng reclamation sa lugar ang mga Chinese.

Nang I- pull out ang BRP Teresa Magbanua nagsaya ang China na akala ay sinunod sila sa giit na alisin ito sa Escoba Shoal.

Pero hindi ang kanilang  dahilan kayai ito inalis.

Baka lalo silang maiinis kapag nalaman nila na may panibagong barkong ipapalit.

Mas lalong naaasar ang mga ito kapag malaman nila na tutulong ang  US sa Pinas sa isyu ng tabuyan.

ESCODA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with