^

Punto Mo

Nahuling natutulog ang empleyado puwede bang i-demote agad-agad?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede ko bang i-demote na kaagad ang empleyado ko? Nahuli ko kasing natutulog sa trabaho. Kailangan pa ba magpadala ng mga notices kahit hindi ko naman siya tuluyang tatanggalin? — Edwin

Dear Edwin,

Oo, kung gusto mong siguraduhin na hindi pagmumulan ng gusot ang balak mong pag-demote sa iyong empleyado ay mainam na sundin mo rin ang proseso na isinasagawa kapag magte-terminate ng empleyado.

Ang tinatawag na “twin notice” rule kasi ay hindi lamang angkop sa mga sitwasyon kung saan terminasyon sa trabaho ang parusa sa empleyado; angkop ito sa lahat ng sitwasyong may parusang ipapataw sa empleyado, kahit ano pa man ang maging parusa.

Kaya kahit demotion lang ang balak mong ipataw sa iyong empleyado ay kailangan mo pa rin siyang padalhan ng dalawang notices—una ay ang notice to explain upang mabigyan siya ng pagkakataong maipaliwanag ang kanyang panig samantalang ang pangalawa ay ang notice kung saan ipinaaalam sa kanya ang parusang ipapataw sa kanya.

Kung hindi mo kasi susundin ang twin notice rule ay maari pang makuwestiyon ang demotion at maaring ikaw pa bilang employer ang pagmultahin at pagbayarin kahit pa may sapat ka namang dahilan para sa pagpapataw ng nasabing parusa.

TRABAHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with