^

PSN Palaro

Cignal, Akari target ang solong liderato

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cignal, Akari target ang solong liderato
Magtutuos ang HD Spikers at Chargers nga­yong ala-1 ng hapon, habang magkikita ang Gazz Angels at Flying Titans sa alas-5 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pag-agaawan ng Cignal HD at Akari ang solong liderato sa Pool B, samantalang mag-uunahang makabangon mula sa kabiguan ang nagdedepensang Petro Gazz at Choco Mucho sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Magtutuos ang HD Spikers at Chargers nga­yong ala-1 ng hapon, habang magkikita ang Gazz Angels at Flying Titans sa alas-5 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Maghaharap sa alas-3 ng hapon ang Capital1 Solar Spikers at kulelat na ZUS Coffee Thunderbelles sa ikalawang laro.

Tabla sa unahan ang Cignal at Akari sa magkapareho nilang 4-0 baraha sa­ itaas ng Capital1 (2-2), Choco Mucho (1-3), Petro Gazz (1-3) at ZUS Coffee (0-4).

Nagmula ang HD Spi­kers sa 25-19, 25-19, 25-22 paggiba sa Gazz Angels at umiskor ang Chargers ng 25-18, 25-15, 25-23 panalo sa Thunderbelles sa kanilang mga huling laro.

“We have a very good import,” ani Cignal coach Shaq Delos Santos kay Ve­ne­zuelan import MJ Perez.

Naging inspirasyon naman ni Akari Japanese mentor Taka Minowa ang personal na panonood sa kanilang laro ng kanyang asawang si Jaja  Santiago.

“Actually, it’s a good inspiration because we came here together and then watched Choco Mucho against Capital1 where Dindin (Manabat) was playing,” ani Minowa. “I can feel that family is here.”

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with