^

True Confessions

Hiyasmin (1)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TREINTA’Y KUWATRO anyos na si Dax pero nanatili pa ring binata. Ayaw pa niyang mag-asawa. Gusto niyang magsawa muna sa pagkabinata. Humiwalay na siya ng tirahan sa kanyang mga magulang at nanirahan sa isang apartment sa P. Noval na nabili niya ilang taon na ang nakararaan. Kakilala niya ang may-ari ng property kaya nabili niya ng medyo mura. Sa P. Noval niya gi­nus­tong tumira dahil nasanay na siya rito. Noong nag-aaral pa siya, dito sa lugar na ito siya madalas na nagdadaan. Kabisado niya ito.

Tamang-tama sa kanya ang apartment na ipina-re­novate niya. Pinataasan niya ang flooring dahil kapag bumabaha, pumapasok ang tubig galing sa kalsada. Nang matapos ang renovation, presentable na. Maski magsama siya ng kaopisina, hindi nakakahiya.

Maraming nagpayo sa kanya na bakit hindi na lang kumuha ng unit sa condo. Ayaw niya ng condo. Bukod­ sa takot siya kapag lu­mi­­lindol, marami rin daw prob­l­ema kapag nasa condo. Kailangan pang bumili ng parking space para sa sasakyan. Mag gusto niya sa karaniwang apartment. Mas komportable siya.

Mula nang mag-isa siyang tumira sa kanyang apartment, wala siyang na­ging problema.

Isang umaga na papa­sok siya sa tra­­baho, tiwala siyang binuk­­­­san ang gate.

Pagbukas, nakita niya ang isang ID na nasa se­mento. Nalaglag­ sa may-ari. Di­nam­pot niya. Binasa. ID ng babae.

Dahil nagmamadali, isinabit na lang muna niya ang ID sa gate. Tiyak babalikan iyon ng may-ari. Pumasok na siya sa trabaho.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with