^

True Confessions

Hiyasmin (35)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Kinabukasan nang pa­pasok na sa school si Hiyasmin, binigyan ni Dax ng perang allowance. Bantulot si Hiyasmin pero tinanggap din.

“Dinagdagan ko na ‘yan para kung maisip mong ma­malengke pagkalabas mo sa school e meron kang ibibili. Bahala ka na kung ano ang bibilhin para iluto. Ikaw na ang magpasya. Pero kung na­papagod ka na, huwag mong pipiliting mamalengke. Kung magagawa mo lang.’’

“Opo Sir Dax. Ako na ang bahala. Kaya ko pa pong mamalengke.’’

“Sige. Salamat.’’

“Aalis na po ako, Sir Dax.’’

“Ingat ka.’’

Umalis na si Hiyasmin.

Inihatid ito ng tanaw ni Dax habang naglalakad sa P. Noval. Hindi alam ni Dax kung sumasakay ng dyipni si Hiyasmin pa­tungo sa school o nag­lalakad na lang.

 

Kinahapunan na umuwi si Dax, nag­luluto na ng hapunan si Hiyasmin. Pritong pork chop at ginisang ampalaya ang niluluto. Nakadama ng gutom si Dax.

“Malapit na pong maluto—fifteen mi­nutes na lang.’’

“Sige, Hiyasmin. Bango ng pork chop.’’

“Tatawagin po kita pag nakahain na.”

“Thanks.’’

Makalipas ang kinse mi­nutos, nakahanda na ang mesa. Tinawag na ni Hiyasmin si Dax.

Kumain na sila.

“Sarap ng pork chop! Bagay sa ampalaya. Ang dami mong alam na luto, Hiyasmin. Parang nagluto ka sa karinderya dati.”

Napangiti lang si Hiyasmin at nagpatuloy sa pagkain.

Nang biglang may naisip itanong si Dax kay Hiyasmin.

“May itatanong lang ako. Noon ko pa kasi ito napapansin na nahahawig ka sa mga babaing taga-Middle East. Ang beauty mo ay parang Arabyana.’’

“Anak po ako ng Kuwaiti.’’
Napamaang si Dax.

(Itutuloy)

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->